CHAPTER 18

14 0 0
                                    

When she heard her phone vibrate kinuha niya ito sa kanyang bag at tiningnan sa screen kung sino ang tumawag. It's Mike.

Napatingin din siya sa oras ng kanyang cellphone mag alas otso y medya na. Hindi niya namalayan ang oras. Matagal din pala siyang nakaupo sa may buhangin. Pero hindi man lang siya nakadama ng pagod.

Ang nararamdaman lang niya ang sakit na naramdaman niya. Ang sakit na naiwan siyang mag-isa sa lalaking minahal niya.

She answered the phone, " Yes, Mike?" Sinuklay pa niya nag kaniyang buhok gamit ang isa niyang kamay. Nilalaro ang kanyang dalawang paa sa mga buhangin.

Nagsalita ang nasa kabilang linya. Nanlaki ang mata ni Tracy sa sinabi ni Mike.

"Doctora. May maganda balita ako sayo. Alam ko na kung saan nagtago ang napakagaling mong boyfriend, ah hindi pala ex boyfriend" Sabi nito

Nabuhayan siya ng loob. Alam naman niya kung gaano kagaling si Mike. Madali lang para sa kanya maghanap sa mga taong hinahanap, "Talaga? Mike?" panigurado niyang tanong na may kasamang ngiti.

"Yes, diba sabi ko sayo mahahanap ko 'yon"

"Teka saan ka ba ngayon? Nakainom kaba?" Tanong ni Tracy

"Hindi pa ako lasing, nagkatuwaan lang kami sa mga kasamahan ko. Napainom konti."

"Bahala ka. Matanda ka na" Alam naman niya na kaya naman niya sarili nito kaya kampante na siya kahit nakainom nakakauwi naman ng ligtas si Mike,

"Mike tungkol kay Oliver anong nalaman mo? Saan siya ngayon?"

"Napagkaalaman ko iyon ang huling flight niya papunta sa lugar na iyon kaya lang hindi ko pa tukoy kung saan siya nakatira" sabi ni Mike na nasa kabilang linya.

"Okay na iyan, at least may hint na ako kung nasaan siyang lugar" saad ni Tracy

"Huwag kang mag-alala aalamin ko pa kung saan siya nakatira doon sa-" naputol ang sinabi niya dahil nagsalita na si Tracy.

"Huwag na Mike, ako na maghahanap. Pupunta ako doon" sabi niya

"Tracy, hindi! paano mo hahanapin doon? hindi mo kabisado ang lugar, at saka walang kasigraduhan pa, kaya maghintay ka lang muna , ako na bahala" He said na may pagtutol siya sa sinabi ni Tracy.

"Mike, hayaan mo na ako, okay! susubukan ko. kung hindi ko talaga siya mahanap then I'll hand it on to you. Sa ngayon ako na bahala." kamapanti niyang sabi kay Mike

"Tracy naman, sana hindi ko nalang sinabi sayo. Umandar na naman yang katigasan  ng ulo mo. at paano ka pupunta doon may trabaho ka? at saka hindi madali maghanap ng tao, baka ano pa mangyari sayo doon" pag-alala niya

"Mike, don't worry about me. I'm perfectly alright. I made the decision to take a break." She stated

Hindi muna niya sasabihin kay Mike ang maging plano niya. Sa ngayon medyo nabuhayan siya ng loob dahil may hint na kung saan si Oliver. Kailangan talaga niya confrontahin hindi naman siya naghahabol ayaw na niyang ganitong sitwasyon. Gusto niyang malaman kung totoo ba lahat. Kung totoo man lahat tatanggapin naman niya wala man mawawala sa kanya kung sa sarili lang, pero nandoon parin ang sakit dalawang taon din silang magkasama. Mahirap din kalimutan. Kung totoo man mag move on nalang siya. Ganon lang ba kadali sabahin?

"Kung yan ang maging decision mo, wala na akong magagawa. Basta tumawag ka lang sa akin kung kailangan mo ako." mahinahon nitong sabi.

"Thank you, Mike.Dadagdagan ko iyong ibabayad ko sayo" She'll be thankful since it comprehends his situation.

"Kahit walang bayad basta ipangako mo sa akin huwag kanang makipagbalikan sa lalaki na iyon. tandaan mo makipagkita ka para sa closure o linawin ang lahat, okay?" he entreats.

I Will Take You ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon