CHAPTER 43

14 0 0
                                    

Nakahawak ang isang kamay ni Tracy sa siradula ng pinto at ang isa naman niyang kamay nakahawak sa kamay ni Christian. Bubuksan na sana niya ang pinto tila na gulat siyang napatingin sa kabilang direksiyon nakita niya si Marco na naglalakad patungo sa kanila agad niyang binitawan ang door knob at nakadama siya nang kaba.

Nakita niya sa mukha ni Marco na halos hindi na ito maipinta.

"Anong ginagawa mo?" Diin niyang tanong

Ang bilis ng tibok ng puso niya dahil sa kaba. Hindi naman siya takot hindi lang niya gusto ang aura ni Marco parang kakainin siya sa tanong nito. Napalunok siya ng laway at kumuha ng lakas ng loob-looban niya. Walang boses lumabas sa bibig niya.

Tumingin si Marco sa pinto na kung saan bubuksan sana ni Tracy bago ito nagtanong ulit, " Sabi ko anong ginagawa mo?"

 “Ah. Ah. Na-” Hindi natapos ang sasabihin niya ng magsalita bigla si Christian.

Ginalaw niya ang kamay ni Tracy na nakahawak sa kanya “I- I want to eat” bigkas ni Christian.
Sabay silang napatingin sa gawi ni Christian. Nagpabuntong hininga si Tracy sa kaloob looban niya. Naisalba pa siya ni Christian.

“Ah, sir papakainin ko muna si Christian, nagugutom na po siya” si Tracy.

Tango lang ang naging sagot ni Marco and he tapped the head of Christian. Nakahakbang na si Tracy ng biglang nagsalita si Marco. Ano naman ba?

"Pinapaalala ko lang sayo nandito ka para sa pamangkin ko. Hindi sa ibang bagay. Pwede mong reviewhin ang kontrata mo para hindi mo makalimutan kung anong nakasaad doon" padiin nitong sabi.

"Yes sir. Alam ko yon sir" tugon niya

“Mabuti naman” Si Marco.

 "May sasabihin pa ba kayo sir? kung wala na po, papakainin ko na po Christian" dagdag niyang sabi

"Wala na” saka lumakad umakyat sa kwarto nito.

Huminto si Marco sa paglakad at nilingon niya si Tracy at ang pamangkin niya. May tuwa siyang nararamdaman dahil may konting pagbabago sa pamangkin niya.

Ng makalayo na siya kay Marco parang nahimasmasan siya dahil sa kaba muntikan na siya. Sana hindi nalang siya nakiusyuso hindi pa siya mapagalitan unang araw pa naman niya sa trabaho. Tahimik ang bahay. Nasa kusina na sila natanaw na niya si Manang Besing abala sa paghahanda ng pagkain. Naka bukas ang telebisyon ang boses nagbabalita ang narinig niya.

"Hi Manang." Bati niya sabay niyang pinaupo si Christian ng maayos sa may hapag Sumunod lang ito sa kanya, dahil hindi pa talaga ito naka fully recover, ateast nakapagsalita na.

Napatigil sa paggawa si Manang Besing at napatingin sa gawi ni Tracy,

"Tina." lumapit ito sa kanya, "Nako masaya ako ng nalaman ko na dito ka na magtratrabaho" dagdag nitong sabi.

“Ganon din ako Manang”

“Akala ko talaga noong pumunta ka dito girlfriend ka ni sir Carlo”

“Ho? Paano niyo naman po nasabi, Manang?” Hindi makapaniwala si tracyg sa sinabi ni Manang

“Paano ba naman mas maganda ka pa sa naging mga nobya ni sir Carlo, dagdag pa na Ang ganda pa ng kutis mo at sexy”

“Nako Manang, kakaumpisa ko lang pa ng trabaho wala pa po akong sahod para pambayad sa papuri niyo po”

Natawa si manang sa sinabi ni Tracy, “ Nako, Tina, totoo naman sinabi ko. Bumabasi lang ako sa nakikita ko”

Natuwa si Tracy sa mga sinasabi ni Manang “ ‘Kaw talaga Manang, maganda din naman siguro Manang”
“Para kay sir Carlo, basta hindi ako nagagandahan”

I Will Take You ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon