Chapter 45

8 1 0
                                    

Alas singko ‘y medya ng umaga tumunog ang alarm ‘clock ni Tracy. Mabigat ang kanyang katawan ayaw pa niyang bumangon, ngunit tumunog ulit ang alarm kaya napilitan siyang bumangon. Ngayon lang talaga siya nakadama ng sakit sa buong katawan , sanay naman siyang gumising ng maaga lalo na pag naka on duty siya hospital at lalo na kapag may emergency kahit nasa kalagitnaa ka ng tulog pero ngayon iba ang sakit ng katawan nararamdaman niya halos boung katawan. Wala siyang magawa kundi bumangon.

Naisipan niyang maligo para maibsan ang sakit ng katawan niya. Sa housemaid quarter may sarili na silang banyo, kaya madali lang para sa kaniya.

Nakapag ayos na siya, soot niya isang lawlaw na t-shirt at pinaresan niya ng jogging pants. Sa totoo lang badoy niya- ngunit kailangan mahirap na may makakilala sa kanya. Sinoot na niya ang kanyang salamin. Lalabas na sana siya sa quarter ng tingnan niya ang kanyang wrist hindi pa pala niya natakpan ang tatoo niya, kinuskos niya ng naligo siya. Kinuha niya ang concelear at nilagyan ang tatoo na even lang sa balat niya. 

Napaigtad siya ng may kumatok sa pinto.

“Tina. Gising ka na ba?” si Manang Besing

“O-opo, manang saglit lang po may inayos lang ako”

Nagamadali si Tracy lumabas, Nakita niya si Manang nasal abas ng pinto.

“Good morning, Manang!” bati niya

“Magnagdang umaga namn, nakaligo ka na pala”

“O-opo Manang”

“Kumusta ang tulog mo? Hindi ka ba naninibago?”

“Ha, ah- ok lang po manang. Naka tulog naman po ako”

“Mabuti naman, akala namamahay ka”

“Namamahay po?” Hindi niya alamkung ano ibig sabhin ang sinabi ni Manang Besing kaya iunlitniya ito

“Ibig kung sabihin ‘yong bang bago ka lang sa bahay hindi ka makatulog kasi hindi ka sanay, nanibago kung baga”

“Ah- ganon po ba, ah hindi naman po Manang- medyo naiintan lang ako kagabie kaya medyo hindi ako nakatulog agad”

“Nainitan ka? Diba may electric fan, sira ba?” pag alala sa boses nito

“Ah. Ah- hindi naman po sira, ah kasi” hindi niya alam kung ano naman ang idadahilan niya bakit naman kasi hindi niya mapigilan ang bibig niya. Pero nagsasabi lang naman siya ng totoo 

“Nako, sigurado ako nababaguhan ka, huwag kang mag-alala masasany ka rin”

Napangiti nlang siya sa sinabi ni Manag ayaw na niyang magsalita.

“Halika ka na, ihanda mo muna kakailanganin ni Christian bago siya magising”

“Opo Manang”

Habang naglalakad sila papunta sa malaking bahay napatanong si Tracy.

“ Manang si Minda?” Tanong niya

“Ah, maaga umalis kasama si Pekoy namalengke, para sa isang linggo budget”

“Ah. Dati kasi ako gumagawa niyan ngayon hindi ko na kaya,matanda na ako sumasakit na likod ko,pati itong tuhod ko Tina” 

“Dapat po Manang magpacheck up po kayo”

“Hay nako, Tina ayaw ko ng pumunta ng doctor lalo ako magkasakit”

“Manang, hindi naman para sa ikakabuti niyo po yon, para matingnan kayo para mabigyan ka po ng gamut”

“Nako, nako Tina, ayaw ko talaga” pagtutol nito 

Ayaw na niyang pilitin. Kadalasan talaga sa mga matatanda ngayon parang walang tiwala sa mga doctor, tiwala sila sa kanilang nararamdaman na kaya nila kumbaga napaka self-denial.

I Will Take You ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon