CHAPTER 26

12 0 0
                                    

De Solvia's Residence

Matagal din nag-usap si Marco at Carlo. Hanggang saan na umabot ang usapan nila. Hanggang naitanong ni Carlo tungkol sa kanyang pag-aasawa.

"Maiba tayo? Kailan ka ba lalagay da tahimik?" tanong nito.

Umismid si Marco at umiling, " Paano ako lalagay sa tahimik wala nga akong girlfriend"

Napangiti si Carlo "Bakit hindi mo ba girlfriend si Sharmaine?" kinompirmang tanong ni Carlo.

"Kailan ko iyon naging girlfriend? ha? friend ka mo" umiling si Marco sa pagkasbi nito

Tumango-tango si Carlo dahil hindi makapaniwala sa sinabi ni Marco.

"Hindi ba? akala ko kasi-" naoputol ang kanyang sasabihin sumapaw si Marco sa pagsasalita

"Baka ikaw gusto mo ng lumagay sa tahimik?" banat na tanong ni Marco

"Nako, wala pa sa isipan ko iyan. Wala pa akong balak." Agad nitong nakasagot.

"Ako pa talaga tinanong mo tungkol sa bagay ng ganayan. Alam mo naman marami oa akong priorities kay sa pag-aasawa. Sa nagyon mahirap magtiwala hindi basta-basta magpapakasal parang wala sa isispan ko na magpapakasal. Tingnan mo nangyari kay ate niloko siya. Naghanap ng iba at tingnan mo ngayon kung ano kalagayan niya dahil sa walang kwenta niyang dating asawa." may bahid nag galit sa puso ni Marco.

"Pinsan, huwag mong ihantulad ang sarili mo sa nangyari sa ate mo. Lahat tayo may ibat-ibang -" putol nitong sabi

"Tama na ayaw ko ng marinig"

"Okay fine!" Immediately, he said.

"Ah. siya nga pala. Pupunta pala ako ng hotel ngayon may titingnan lang ako"

"Ganon ba. Sasama ako."

"Sige. Magbihis muna ako."

Nagbihis si Marco at pagakatapos umalis na sila papuntang hotel. May kailangan lang siyang asikasuhin. Nasa harapan si Carlo umupo.

Habang nasa byahe sila napansin ni Marco na panay ring ang kanyang cellphone tiningnan niya ito si Sharmaine ang tumawag. Hindi niya ito pinansin. Hinayaan lang niya itong mag ring alam naman ang dahilan kung bakit tumawag. Napansin ito ni Carlo kaya nagsalit ito.

"Eh. Bakit hindi mo sagutin" sabi ni Carlo

"Hayaan muna." Sabi ni Marco kasalukuyang seryoso sa pagmamaneho at nakatuon ang mga mata sa daan

"Baka importante. Sagutin muna kaya. Baka na miss ka na niyan" kantsaw nito ni Carlo sa kanya.

"Tumigil ka. Nagmamaneho ako. At saka hindi ako kumakausap pagnagmaneho ako. " Nakangiwing saad nito.

"Ito talaga babae na nga ang nagpaparamdam sa kanya. Ayaw pa rin." umiling itong sinabi at tumingin sa labas para tingnan ang mga dinadaanan nilamg building

"Kaibigan ko lang si Sharmaine, kaya huwag mo siyang gawing malisya"

"Ewan ko sayo. Bahala ka" He said

Kalaunan tumigil na ang pag tunog ng cellphone. Saglit na naman tumunog na naman ang cellphone ni Marco sabay silang magpinsan nakatingin sa screen kung sino na naman tumawag ng makita nila napatingin sila sa isat-isa. Kinuha agad ni Marco ang kanyang earpiece at kinonikta ang cellphone para masagot niya ang tawag. Tumawag kay Marco ay iyong lalaking inihire niya na hanapin ang iyong babae pinapahanap niya.

On the other line, he responded right away. Nabigla si Carlo sa ginawa ni Marco.

"Hello? Ano nahanap mo na? Kilala mo na ba kung sino?" sunod-sunod niyang tanong ng nasa kablinag linya.

I Will Take You ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon