CHAPTER 19

15 0 0
                                    

Pagdating ni Tracy sa condo naabutan niya si Caryl nasa sofa nagbabasa ng libro, naka soot pangtulog na ito. Nilagay niya ang kanyang sandals sa may cabinet ng mga sapatos.

Dahan-dahang pumasok si Tracy. Nakatoon pa rin ang mata sa pagbabasa.

"Gising ka pa pala?" Tanong ni Tracy

"Hindi pa kasi ako inaantok." She replied

"Kumain ka na ba?" Tanong ni Tracy.

"Tapos na" Tipid nitong sagot. Nanatiling nakatoon sa libro.

"Ah. maliligo muna ako cuz" sabi niya, ayaw na niyang magtagal na kausapin ang pinsan niya baka marami pa itong itatanong. Hindi na niya kayang magsinungaling.

Gusto man niyang sabihin ang plano niya pero pinipigilan niya ang kanyang sarili.

Huminto sa pagbabasa si Caryl at nilagay ang libro sa may center table.

Aaktong aalis si Tracy biglang nagsalita si Caryl.

"Bakit bigla ka palang pinapatawag ni Tito, cuz?" tanong ito na sabay titig kay Tracy.

Hindi mapakali si Tracy. As usual sa tuwing pinapatawag siya dati ng daddy niya nag sha-share siya sa kanyang pinsan.

"Ha? ah. Wala lang. May pinasasabi lang." She said. Hindi siya makaderetso ng tingin kay Caryl. Malikot ang kanyang mata. Sigurado siya napapansin ng pinsan niya ang kilos niya. Halata ba kinikilos niya?

Tumayo si Caryl at kinuha ang libro sa may lamesa. "Ganon ba?"

"Oh! Ah. Cuz, maliligo muna ako" Humalik si Tracy sa pisngi ni Caryl. at daliang pumasok sa kanyang kwarto.

Naistatwa si Caryl sa kinikilos ng pinsan niya. Umiling siya at pumasok na rin sa kanyang kwarto.

Malakas ang binitawan niyang buntong hininga sa pagpasok niya sa kanyang kwarto. Ilang araw nalang matatapos na ito.

Nang matapos siyang maligo.Nakasuot siya ng pantulog: mahabang manggas na damit at pajamas. Habang pinapatuyo ang kanyang buhok gamit ang blower tumunog ang kanyang cellphone may nagpadala ng message.

Tumigil siya sa pag blo-blower ng kanyang buhok at kinuha ang kanyang cellphone tiningnan niya kung sino nagpadala ng mensahe - si Mike, nagmessage sa lugar kung saan si Oliver.

Nagtipa siya para mag reply, pagkatapos binaba niya ang kanyang cellphone at nagpatuloy sa pagblo-blower ng kanyang buhok.

Nang matapos siya humiga na siya sa kama at nakakaramdam na siya ng lamig dahil sa malamig na air conditioning sa loob ng kanyang silid.

Something flashed to her instantly. She raised one foot and locked her gaze on it.

Nalala niya ang mga kamay na nakahawak sa kanyang paa habang sinosout sa kanya ang sandal. Hindi niya akalain sa taong hindi pa niya kilala at kinaiinisan niya ang gagawa sa kanya na para siyang prinsesa.

Kinilig siya bigla at malawak siyang napangiti. Nang napansin niya ang sarili agad niyang binawi ang kilig at ngiti. kinagat niya ang kanyang labi.

Kinuha niya ang isang unan at tinakpan ang kanyang mukha. Anong bang nangyari sa kanya?

Ngayon lang ba siya kinilig? Kinilig ba talaga siya? NO! Paano? Naiinis nga siya kay Marco, tapos ito siya ngayon kinilig? Ang sama niya, feeling niya nagtataksil siya kay Oliver?

Kahit wala na ito pero wala pa namang break-up nangyari sa kanila. Pero masama ba na kiligin sa iba?

Kilig lang naman diba? normal lang siguro? hindi naman niya mahal. Siguro na appreciate lang niya ang ginawa ni Marco.

I Will Take You ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon