CHAPTER 44

13 0 0
                                    

Alas kwatro ng hapon kailangan lumuwas ng Manila ni Marco dahil kailangan niyang umatend sa birthday ni Mrs Guanzon. Hindi kasi naman siya makakatanggi sa imbitasyon ng pamilyang Guanzon. Naging malapit niya ang pamilya kaya pupunta siya bilang pagrespeto. Kung ano man ang nararamdaman ni Sharmaine sa kanya isisintabi naman niya. Wala naman siyang dapat ikatakot o mahiya dahil wala naman siyang binitawan pangako kay Shamaine samaktuwid sinabi pa niya na mgakaibigan lang sila. Si Sharmaine lang ang hindi makatanggap hinayaan nalang niya dahil balang araw makakalimutan din siya nito. Nakasoot siya ng polo na pinangibabawan niya ng black suit pinaresan ng slacks at black formal shoes. Malalaki ang hakbang ni Marco pag baba ng hagdan habang abala sa pag-aayos ng butones ng polo niya. Ng maiayos na niya nito tumigil siya ng paghakbang at inilabas Ang cellphone na nasa kanyang bulsa ng slacks nagdual siya ng numero para tawagan si Carlo.
Nang ilang beses pangg nag ring kalaunan may nagsasalita sa kabilang linya.

"Hello, Carlo sasabay ka ba sa 'kin papuntang manila?" aniya

"Pinsan, tatawagan na sana kita eh, hindi ako makakapunta may asikasuhin kasi akong importante kailangan ko kasing paunlakan iyong isa sa mga investors natin nagyaya kasi mahirap naman kasing tanggihan." Sabi sa kabilang linya

"Ah Ganon! akala ko ba hindi sila tutuloy." Nakapameywang na ang kanyang Isang kamay

"Yon na nga eh! nagbago ang isip"
"Okay sige. walang problema" Pinindot ang end call at binalik ang telepono sa kanyang bulsa. Tinawag niya si Manang Besing para maghabilin.

"Manang, Manang" tawag niya ng ilang beses bago nakatugon si Manang sa tawag ni Marco.

Naglalakad na patungo sa may bukana ng pinto ng malaking bahay si Marco at bilisang lumapit si Manang Besing patungo kay Marco.

"Sir?Ano yon?" tanong ni Manang

"Manang luluwas muna ako ng Manila. Baka mamayang gabi pa uwi ko. Kung hindi ako makauwi baka bukas ng madaling araw.

Tumango si Manang sabay sagot "Opo sir."

"Sige Manang, ikaw na bahala dito" sabi ni Marco

"Ok sir. Ako na ang bahala dito. Mag-iingat kayo sir" Agad niyang tugon.

Aaktong aalis si Marco na may naalala siya "Nga pala Manang si Christian?"
"Ai nandoon sa may study room si Christian sir kasama si Tina" sagot ni Manang

Nag-iisip muna siya bago sumagot sa sinabi ni Manang "Ah.Ganon ba. puntahan ko muna bago ako aalis."

"Sige sir"

Umalis si Marco papuntang study room ni Christian. Mabilis ang kanyang mga hakbang. Ng nasa tapat siya ng pinto pinihit niya ang door knob at binuksan niya na kalahati ang pinto nakasilip lang siya. Nakita niya nasa harap si Tracy nakaupo ganon din si Christian na tinuturuan niya ng mga movements ng kamay physical therapy. Hindi na siya pumasok sapat na sa kanya Makita Ang pamangkin niya dahan-dahan niyang sinara pabalik ang pinto na walang ingay na hindi man lang ito napansin nila Tracy.

Naging kamapante na si Marco dahil sa ngayon may nagaalaga na kay Christian. Sana tuloy-tuloy na gagaling ang pamangkin niya. Nabawasan Ang pag-alala niya
Nang palabas na siya nakita niya si Mang Pekoy nakatayo sa may sasakyan na hinihintay siya. Dalian siyang humabakbang patungo sa sasakyan

"Tayo na Mang Pekoy" sabi niya at binuksan niya ang pinto ng sasakyan at pumasok

"Opo sir" tugon ni Mang Pekoy na agad pumunta sa may drivers set.
Manila

Wala pang oras nakarating na siya sa Manila. Mabilis lang ang byahe niya gamit naman niya ang kanyang private plane.

Nakalapag na sa paliparan ang private helicopter niya agad siyang pumunta sa basement nandoon kasi Ang kotse niya na gagamitin papunta sa birthday party.

I Will Take You ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon