CHAPTER 27

19 0 0
                                    

Nakatitig pa rin siya sa maliit na card na bigay ng hotel. Hindi mawala sa isipan niya ang mukha ni Marco. Bakit Ganon? Lagi nalang sila pinagtatagpo. Hindi lang iang beses kundi marami ng beses. Lahat ng iyon ay unexpected. May Ganon ba talaga? Normal lang ba? Siguro? Kaya nga sabi nila maliit ang mundo.

Sa kadami-daming taong makikita niya si Marco Dream De Solvia. Maganda pakinggan pangalan niya. Tanong niya sa sarili. Bakit pala Dream? Bakit noong una nilang pagkikita bakit second name sinulat sa palad niya? Pwede namang Marco. Bakit Dream? Bakit pala niya iniisip. Naka intrigue lang. Pero wala namang masama. Just saying.

Wala ng gana na maggala si Tracy. Nasa loob siya ng taxi na malalim ang iniisip. Hindi niya akalain na makita niya si Marco. Na magkita ulit ang kanilang mga landas. Bakit nga pala niya pinagtotoonan ng pansin Ang lagi nilang pagkikita. Bumuntong hininga siya. Nakatingin siya sa labas nakikita niya ang mga dinadaanan nilang mga building. Naagaw ang kanyang pansin na magsalita ang driver.

" Miss? Saan ka bababa?" Tanong ng driver.

Tumingin si Tracy sa driver. Hindi pala niya sinabi kung saan siya pupunta deretsang sumakay lang siya na walang sinabi. Hindi siya makasagot kung saan siya kasi hindi rin niya alam. Saan ba talaga siya pupunta? Wala siyang ibang naisip kundi sa kanyang kaibigan si Hanna. Baka abala na naman ito.

"Miss?" Tawag ulit ng pinsan niya

Natauhan si Tracy sa pagtawag ulit ng driver " Ah. Kuya pwede po bang pakibalik mo nalang ako sa hotel. May nakalimutan po kasi ako kuya" wala talaga siyang maisip kung saan siya kaya napagdesisyonan niyang babalik sa hotel.

Agad naman nag reverse ang taxi at bumalik sa hotel.

Guanzon's Residence

Hindi na alam ni Sharmaine kung ano ang gagawin niya. Hindi siya sinasagot ni Marco ang tawag niya dati rati pag tumawag siya sinasagot agad nito. Naiinis na siya. Sa tingin niya iniiwasan siya ni Marco. Kailangan may gagawin siya. Gusto niyang makausap si Marco. Nag iisip hanggang may pumasok sa kanyang isipan. Pupunta siya sa Butuan City. Pupuntahan niya si Marco.

"Kung ayaw mong sagutin ang tawag ko, pupuntahan kita Marco." Sabi sa kanyang sarili sabay ngisi.

Kumuha siya ng maliit na maleta at naglagay ng kanyang mga damit. Pagkatapos niyang mag impake nagbihis na siya at tuluyang lumabas sa kanyang kwarto bitbit ang maliit na maleta.

Naabutan niya ang kanyang mommy nasa hardin nag aayos ng mga bulaklak.

Napansin siya nito na nagmamadaling umalis at nagtataka na may dala siyang mga gamit.

" Anak, saan ka pupunta?"tanong nito at nakatingin sa bitbit nitong trolly bag niya.

"Ahm. Mommy pupunta ako ng Butuan." Sagot niya at aakto siyang umalis ngunit nilapitan siya ng kanyang mommy para pigilan siya.

"Ano? Sa Butuan? Anong gagawin mo 'don" tanong ng kanyang mommy.

" Mom, pupuntahan ko si Marco" Saad niya.

"Alam ba ni Marco na pupunta ka?"

Ngumiwi si Sharmaine at tumitig sa kanyang mommy " Hindi pero mom-" naputol ang sasabihin dahil nagsalita ang kanyang mommy.

"Anak naman. Dapat pinaalam mo. Hindi maganda tingnan sa babae na pupuntahan ang lalaki"

"Mom, anong masama. We're family friends at saka parang nagbakasyon lang ako" she explained.

"Kahit na anak. Abala din si Marco baka-" naputol ang sasabihin

" Mom. Please. Hayaan muna ako. Alam ko ginagawa ko. At saka Hindi naman ako nagdidisturbo kay Marco. Gusto ko lang talaga siya Makita mom"

I Will Take You ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon