BTNMN01 [ School Bus 🚌 ]

3.5K 113 88
                                    


Disclaimer:

This is a work of fiction inspired by a true story that was experienced by the author.

Hence, the author would like to request that her readers will not associate the story as though it's her whole life written as a book, for it is not a memoir. Although the first names Andrea and Angela are true. But the rest of the characters' names are not.

Furthermore, if there is any resemblance to persons living or dead is purely coincidental. The opinions expressed are those of the characters and should not be confused with the author's with the exemption of the school bus scene.

Plagiarism:
Please don't copy, repost, screenshot, or recreate my work in any means without my permission.

Reminder:
I do not own the art that is in the book cover, I only own the edit. Credit goes to the rightful owner.

Updates: This story is a work in progress. I'll be editing the lines and scenes from time to time.

Thank you so much for the support and enjoy reading! 🥑

________________________________

M O N D A Y

"Drey! Nandito na ang school bus! Sa'n ka na ba?!" Sigaw ni Chienna sa kabilang linya.

Hindi naman naka loud speaker 'tong cellphone ko pero daig pa rin niya ang megaphone sa lakas ng kanyang boses.

Nagugulat nga ang ibang tao kapag nalalaman nila na sa liit na katawan ng babaeng ito nanggagaling ang mala higanteng boses.

Yung tipong parang nagiging galit ang tono ng pananalita niya kasi palaging malakas ang kanyang boses.

Nilayo ko tuloy ang cellphone sa aking tenga bago ako sumagot.

Shuta! Chienna, huminahon kang babae ka!

"Oo na! Papunta na nga sabi! Ito naman sobrang at--" Sagot ko sa selpon na nakapatong sa kaliwa kong balikat habang inuubos ko ang mainit na kwek-kwek sa aking bibig.

I was actually trying to sound friendly kahit inis na inis na rin ako sa babaeng 'to.

Kumakain yung tao eh! Panira naman 'to!

Narinig niya ata ang aking pagnguya kaya napasigaw na naman 'to sa inis sa kabilang linya.

"Kumakain ka na naman ba, Ms. Andrea Daine?!" Pasigaw na naman niyang tanong sa akin.

At nagulat pa talaga siya na hindi naman 'yon bago sa kanya.

"Grabe 'to? Nagutom lang yung tao dahil sa training, eh." Depensa ko sa aking sarili habang kinakain naman ang limang cheese sticks nang sabay-sabay.

Spell MATAKAW! A-N-D-R-E-A D-A-I-N-E 
Y-A-N-G D-E V-E-R-A!

Nagsimula nang magtakbuhan ang mga estudyante patungo sa school bus namin. Tanaw ko ito galing sa food stall kung saan ako kumakain. Kaya naman mabilisan kong inubos ang napakalamig na buko juice sa aking kamay.

Muntikan na nga akong magka brain-freeze sa sobrang lamig ng buko juice. Malamig nga pero halos wala namang kalasa-lasa. Yung tipong mas marami pa yung tubig kaysa sa katas ng buko!

Hays, na scam na naman ako! Matamis naman 'to no'ng una, eh. Pakidagdagan naman po ng condensed milk o kahit ng asukal man lang kung kinulang na talaga sa budget!

But That's Not My Name Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon