"Uno, Dos, ?"F R I D A Y
🍳 AT THE DINING TABLE 🍳
"Deh, baka gagabihin ako mamaya, ah? May TKD training po kasi."
"Oo naman. Basta kasama mo si Gino pauwi, okay na okay sa akin."
"Sige po. Aalis na po ako!" Sambit ko habang sinusuot ang aking school shoes.
🚌 AT THE SCHOOL BUS 🚌
Habang naghihintay ako ng bus ay biglang bumugsok ang ulan. Patayyyyy!!! Hindi ko na naman nadala yung payong ko! Nakaligtaan ko na namang kunin sa side pocket ng bag ni Ceejay...
Hindi naman ako takot sa ulan kaso baka mabasa yung uniform ko. Puti pa naman yung coat ko..
A waterdrop fell on my forehead kaya napatingala ako sa bubong ng waiting shed at napagtanto kong may butas pala 'to. Nanlaki ang aking mata ng nakita kong parang hindi na waterdrop ang susunod na tutulo sa noo ko, ngunit isang plangganang tubig na naipon sa bubong nito.
"AHHHHHHHH!!!!" Napasigaw ako sa pagbugsok ng tubig habang tinatakpan ko ang aking ulo at nakapikit ang aking mata.
Pero sa aking pagtataka ay biglang may humatak sa aking kamay.
"Ah.. sa-salamat." Sabi ko sa lalaking estudyante rin ng Arckanton, base sa kanyang uniform na suot.
Pero nung inangat niya ng kaunti yung payong niya ay nakita ko ang kanyang ID.
Gino Kasa Linnen M. Rodriguez
"GI.. GINO?!?!?!"
"O, ba't gulat na gulat ka? Para ka namang nakakita ng multo hahaha" Tanong niya sa akin habang kami ay magkalapit pa rin at tumatawa pa ang gago.
Sumingkit ang aking mata. "Himala ang aga natin, ah?" I was surprised dahil lagi namang late tong mokong na 'to.
"Nagbagong buhay na." He smiled cheekily and released his grip on my hand.
"Ba't hindi ka nagtraining kahapon?" Tanong niya sa akin.
"Huh? Nagtrain ako sa 1st batch. Ikaw ang wala sa 1st batch... " I rolled my eyes.
"Ay.. gano'n ba?" napakmot siya sa ulo.
"Oo.. tapos ba't wala ka nung uwian? Akala ko ba ihahatid mo ako.. Tuloy nahirapan kaming makasakay ng jeep nila Chienna and OJ.."
"Sure ka bang nahirapan kayo sa paghahanap ng jeep na masasakyan?" He asked me sarcastically.
"Ano??" Kumunot ang noo ko sa sinabi niya.
"Wala.. wala. Sabi ko, mabuti at nakahanap kayo ng masasakyan." He clarified.
Wala na talaga sa lugar ang pagkasarkastiko ni Gino paminsan. Hindi mo alam kung sarkastiko lang ba talaga siya niya o galit na. Ang hirap niyang basahin..
SCHOOL BUS ARRIVES...
"Lady, first." Tiningnan niya ako at naka chin up pa.
"Sira ka ba? Anong lady first?" Nanlaki ang mata ko sa kanya sa inis.
"Bakit sinabi ko bang ikaw?" Nakakibit balikat siya.
BINABASA MO ANG
But That's Not My Name
RomanceAndrea Daine De Vera had the perfect plan: She'd be the best taekwondo player in her division, and she'll graduate from Junior High School with flying colors. Not until Tres Nigel Sy Moreno, her 3-year unrequited love, approached her one afternoo...