BTNMN29 [ Family Day👨‍👩‍👧 ]

607 29 79
                                    


"Baby, It's You."

________________________________

[ 🍝 G I N O K A S A ' S P O V 🍝 ]

Hindi ako pumasok kahapon dahil lubos akong nasaktan sa mga sinabi ni Rain nung linggo ng gabi.

Hindi ako nakatulog dahil binagabag ako ng mga katanungan sa aking isipan.

"Tears of joy, Rain.."

"Mahal rin kita.. bilang kaibigan."

Kasinungalingan...

Puro kasinungalingan ang mga sinabi ko nung gabing 'yon..

Paano ako magtatapat ng tunay kong nararamdaman kay Rain, kung alam ko namang si Tres yung laman ng puso niya?

Pero ano namang magagawa ng pagtatapat ko kung alam ko namang hindi niya diringgin ang sigaw ng puso ko? Pucha!

Nung nag-jogging ako kanina ay nakita ko si Rain. Tinawag niya pa ang pangalan ko pero nagkunwari lang ako na hindi ko siya narinig kahit hindi naman nakasaksak yung headphones ko sa cellphone ko.

Nilingon ko pa siya pero naglakad na siya ulit.

Pagkauwi ko ng bahay ay naghanda na ako para pumasok ng maaga sa eskwelahan.

May pumasok sa isipan ko na bright idea!

Kung gagayahin ko ba si Tres, magugustuhan na ba ako ni Rain?

Mabilis kong kinuha ang plantsa sa buhok ni mama sa kwarto nila ni papa. Napaso pa ako habang pinaplantsa ang buhok ko.

"Anak ng!" Napasinghal ako.

Pucha talaga! Ang hapdi sa ahit!

Nung matapos akong i-plantsa ang buhok kong kulot ay napatingin ako sa salamin.

Nagulat ako sa bagong itsura ko.

Bagay naman pala sa akin ang istrayt na buhok..

Ano ba namang mukha 'yan, Gino?

ANG GWAPO MO SELF! SHET!

Napangiti ako sa salamin..

Si Rain kaya? Magugustuhan niya kaya ang bagong hairstyle ko?

Lumabas na ako ng gate na nakalagay ang dalawang kamay sa likuran ng aking ulo. Masaya akong naglalakad nang makita ko si Rain na naglalakad sa harapan ko.

Dumating na ang school bus pero hindi ako sumakay dahil sosorpresahin ko si Rain mamaya sa school kaya pumara na lang ako ng L3 van.

Okay rin 'tong L3 van kasi de aircon. Hindi katulad ng jeep na non-air. Parang laging may buhawi tuwig ilalabas mo ang ulo sa bintana.

Jusmiyo! Mapupunta sa wala yung pag-plantsa ko sa kulot kong buhok. Inabot pa naman  ako ng malapit isang oras bago ko napa-istrayt ang lahat ng buhok kong kulot!

Pagdating ko sa classroom naghiyawan naman sila Lance at Karr, mga kaibigan ko sa eskwelahan.

"Gagi! K-pop star yung pormahan natin ngayon Kasa Linnen, ah?" Sabi ni Karr na nakaupo sa mesa ko habang kumakain ng lollipop.

"Shit! For real, Gino? Anong ulam mo kanina at naging i-strayt 'yang buhok mo?" Sabi ni Lance na nakasandal sa balikat ni Karr. Umalog pa ang balikat ni Karr sa ginawang pagsandal ni Lance sa kanya kaya napatitig siya sa kamay ni Lance.

"Mga gago! Ako lang 'to.. si Gino.." Sabi ko sa mga kumag. Napahawak pa ako sa gilid ng buhok ko at sumingkit pa ang mga ito habang nakatitig sa bintana sa likuran nila.

But That's Not My Name Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon