"Sino si Ulan? "________________________________
S A T U R D A Y (MORNING)
Nagising ako sa pagbugsok ng ulan.
Kapag masayang-masaya ako, umuulan.
Kapag malungkot na malungkot naman ako, umuulan rin.Kaya ba Rain yung palayaw na binigay nila sa akin?
________________________________
R A I N:
R galing sa first name ko na Andrea at AIN naman na galing sa second name ko na Daine.________________________________
Dahil kakambal ko ang Ulan?
Reyna ng Kalangitan, umiiyak ka ba dahil malungkot ka ngayon? (Tears of Sadness)
O hindi naman kaya ay umiiyak ka dahil masaya ka? (Tears of Joy)
O baka naman nangungulila? (Tears of Loneliness)
Pero dahil kakambak ko ang anak mo na si Ulan. Alam ko ang dahilan.. Umiiyak ka ngayon kasi malungkot ka..
Kasalungat ng nararamdaman ko ngayon ang rason kung bakit Rain ang napagdesisyunang ipalayaw sa akin nila Dadeh Rick at ni Allisson.
Kwento ni Deh sa akin, halos straight 3 hours daw akong umiyak nung paglabas ko sa mundong 'to. Matinis. Masakit sa tenga. Iyak na hindi ka papatulugin hanggang madaling araw.
Ah, kaya pala Rain kasi iyakin (crybaby) Hahaha
Pero hindi nga.. umuulan daw kasi nung araw na pinagbubuntis ako ni Allisson at umiiyak siya no'n 'di dahil sa sakit ng pagbubuntis niya sa 'kin.
Pero dahil huminto daw kasi yung pagtibok ng puso ko dahil sa tubig sa aking baga. Pulmonary Edema daw.
Umiyak siya. Yung iyak daw na mas malalim pa sa Pacific Ocean. (Tears of sorrow)
But I was a fighter (and still am). I survived the first challenge in my life at my first day on earth.
Kaya umiyak na naman siya. But this time. dahil na sa tuwa. (Tears of Joy) Nabuhay ako, eh.
Paiyak-iyak ka pa Allisson na nabuhay ako, pero iniwan mo rin naman ako.. kami.. nila Dadeh Rick at Ceejay.
Napagod ka ba sa kakaiyak? Dahil hindi ka na masaya sa mga panahong 'yon? Bakit, Allisson? Dahil hindi marangyang buhay ang naibigay ni Dadeh Rick sa'yo, malayong-malayo sa buhay na kinagisnan mo, mang-iiwan ka na lang ng tao bigla, a-Allis ka na lang bigla?
Akala mo ata LOVER'S QUARREL ang AWAY MAG-ASAWA?
TAPOS AALIS-AALIS KA? ANO KA? FEELING SINGLE? WALANG ANAK? WALANG RESPONSIBILIDAD.
Kaya ba pinagpalit mo siya sa lalaking mayaman? Yaman? Pera? Iyon lang ba ang nagpapasaya sa'yo? Kami? Ako... Hindi ba kami yaman para sa'yo? Napasaya ka naman namin, hindi ba? We gave you tears of joy. A lot of times.. You were happy with us.. You can't deny that truth, Allisson.
But you still chose that guy over us. You chose wealth instead of family.. instead of us.. TANGNA KA!!!
Napatigil naman ako sa aking pag-eemote. (Hays, ang dami ko talagang naiisip kapag umuulan.. ) nang biglang nagring yung cellphone ko.
BINABASA MO ANG
But That's Not My Name
RomanceAndrea Daine De Vera had the perfect plan: She'd be the best taekwondo player in her division, and she'll graduate from Junior High School with flying colors. Not until Tres Nigel Sy Moreno, her 3-year unrequited love, approached her one afternoo...