BTNMN23 [ Intrams: Target of Destiny 🎯 ]

181 9 43
                                    


"Naniniwala Ka Ba Sa Tadhana?"

________________________________

[ 🍝 G I N O  K A S A ' S  P O V 🍝  ]

Naalala ko na naman yung sinabi ni Rain kanina.

"'Till death do us part."

Parang iba na ata ang kahulugan no'n sa akin ngayon dahil sa sinabi ni Rain kanina.

Kaya nga ba natin magmahal ng tao kahit patay na tayo?

Mamahalin pa rin kaya natin yung taong minahal natin sa mundong ito kapag pumanaw na tayo o mawawala lang rin yung mga alala natin na kasama natin sila?

Death is invitable. Hindi maiiwasan. Mangyayari at mangyayari talaga.

Pero kung may una mang mamamatay sa amin ni Rain, ako na lang sana ang mauna..

Ayaw kong mabuhay na wala si Rain. Mamatay ako na buhay no'n. Dilat ang mata pero hindi naman na tumitibok ang puso.

Tiningnan ko ang album ko sa cellphone ko kung saan nando'n ang mga litrato ni Rain.

[ Album Name: Aking Ligaya ]

Aking Ligaya, please 'wag ka nang umiyak sa harapan ko... Dapat ganyan lang, o. Naka-smile ka. Bungisngis! Bagay sa'yo 'yan..

Maganda ka pero mas maganda ka kapag nakangiti ka Rain yung ngiting abot tenga ah? Gano'n na ngiti ang gusto kong makita. Paminsan ko lang nakikita 'yon, Rain.. pero ngayon parang mas nakikita ko yung gano'n mong ngiti.. Nakikita kong ngumingiti yung mga mata mo kaso hindi talaga ako ang dahilan no'n eh. Yung Tres. Yung Lecheng Intsik ang nagpapangiti sa'yo ng gano'n.

Alam kong hindi pa kayo. Kaya, Rain.. may laban ba ako do'n?

Oo, hindi ko siya kasing talino. Hindi rin ako maputi. 'Yon ba ang bet mo? Maputi? Kutis karamel, ayaw mo?

Hindi ako mayaman katulad niya pero ibibigay ko naman ang lahat sa'yo.. lahat-lahat Rain..

Paano naman kasi ako poporma sa'yo? Kapatid ang turing mo sa akin. Anak naman ang tingin sa akin ni Dadeh Rick.

Ayaw ko ng gano'n. Gusto ko level up. Yung kasunod ng friendship, yung six letters.
L O V E R S.

Pero paano ko nga sasabihin sa'yo? Hindi naman ako takot ma-basted. Baka nga i-reject mo ko ng ilang beses eh. Pero kahit ilang beses mo pa akong i-reject, hindi ako susuko.

Kaso may gusto kang iba ngayon. Anong gagawin ko? Alangan naman umamin ako ng basta-basta? Semplang talaga ako no'n. Hindi lang basted, DOUBLE DEAD! Kasi WRONG TIMING

Pero hindi pa naman kayo ni Tres, so may pag-asa pa? So pwede pa?

Haist. Nag-iisip na naman ako.. Nag-ooverthink. Tuloy sumasakit na naman yung ulo ko. Maliit naman yung utak.

Nag-vibrate ang cellphone ko.

( From: Rain )

[ Hoy, Kulot! Kumain ka na dito. ]

Lumiwanag naman ang mukha ko nung nabasa ko ang text ni Rain. Dali-dali akong bumaba ng bahay at nagtungo sa bahay nila. Hindi na ako nag-doorbell tutal may susi naman ako.

Pagdating ko sa bahay nila Rain ay naghahanda ng mga pinggan si Rain.

"Ako na diyan.." Sabi ko. Umupo naman si Rain habang kinukuha ko ang ibang mga kubyertos.

But That's Not My Name Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon