BTNMN14 [ MH 📽 ]

294 24 67
                                    


"Sinong Sinungaling?"

________________________________

🥋 TRAINING ROOM 🥋

"Hindi ako makakapunta sa library mamaya. May pupuntahan akong importante."

"Oh? Mas importante kaysa sa grades mo?" Gino said sarcastically.

"Mas importante kaysa sa sa'yo!" Inirapan ko siya.

"Aba.. aba.. nagtataray ka na sa akin ah.. Isusumbong kita kay Dadeh Rick, sige ka.." Pinagbantaan pa ako ng gago.

"Sige gawin mo. Go lang! GO GINO SUMBUNGERO! GOOOO!" Tinaas ko ang kaliwa kong kamao sa ere.

"Total diyan ka naman magaling, hindi ba?" Nilapitan ko si Gino. Face to face. Siningkitan ko siya bungsod ng aking pagkainis.

"Yung totoo, Gino? Buntot ka ba ni Rickardo??"

Sila ata ang tunay na mag-ama, eh.. parang ampon lang ako ni Dadeh Rick. Bawat galaw ko ay sinusubaybayan ni Gino..

"Rain.. hindi niya ako buntot.."
Our eyes interlocked. Ni isa sa amin ay hindi kumukurap. His jaw clenched. He smiled sarcastically.

"Hindi niya ako buntot kasi.. anak niya rin ako.. SIS-TERRRR!!! POWEEER HUUUUG!!!"

He caught me off guard.. Para akong kuneho na niyayakap ng ahas. Mahigpit ang yakap ni Gino. Gusto niya na ata akong patayin sa ginagawa niyang ito...

Literal na POWER HUG, eh! Grabe yung lakas, yung pwersa.

"GINOOOOOO!!! Get off of me!" Pilit kong pagpupumiglas sa yakap niya.

"WOW!!! ENGLISERA!!! TRES EFFECT yarn, Te?"

Gino.. You.. You and your #baklanezationism.

"KA.. PAG A-KO NAKA-WA-LA DI-TO.. PA-TAY KA SA A---"

"HOOOY! Grabe tAkÖTch cZí aCq3tCH!" Napahawak si Gino sa kanyang dibdib at nanlaki ang mata.

Umaktong susuntukin ko na sana siya sa mukha ng biglang dumating ang ibang mga estudyante ko sa training room.

"No, Ma'am.. please 'wag po! Wala po akong laban sa inyo.." Niyakap ni Gino ang sarili niya at umiiling-iling pa. Fake acting na takot siya sa paglanding ng kaliwa kong kamao.

Nagpupumigil sa pagtawa si Angela.

Nagkatinginan kami ng mga estudyante ko. Binalik ko ang tingin ko kay Gino..

"Gago ka ba?" I whispered to him while my eyes widened in bewilderment. Then, I looked back to my students who are still staring at Gino and I.

"Okay. Ready yourselves. We'll be having foot drills today. Gino and Angela will lead this session." I said as if nothing happened.

________________________________

🚘 PARKING LOT 🚘

Matapos kong mag-training ay dumiretso na kaagad ako sa parking lot ng school namin. Nacu-curious rin talaga kasi ako kung bakit ako pinapunta ni Tres dito.

But That's Not My Name Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon