"Bakit Ba Palagi Kong Nakakalimutan Ang Payong Ko?"________________________________
[ 🌧 R A I N ' S P O V 🌧 ]
Matapos kong kumain kasama ang CABO Gang ay sumakay ako sa 1st batch ng school bus. Sabik na sabik na akong makita ka. Nagdala pa ako ng asado siopao, empanada, at fita. Mga paborito mong snacks.
"Hi, Mami.. Happy Birthday po.. Pasensya po kung wala sila Dadeh Rick at Ceejay, ah?" I paused for a moment and smiled.
"Si Ceejay po kasi nagkasakit.. kaka-COD niya! HAHAHAHA Kakapuyat niya kakalaro ng COD!" I paused.
"Si Dadeh Rick po? Alam niyo naman na ang sitwasyon niya, Ma.." I closed my eyes.
"Haha hahaha..." Tumawa akong nakapikit.
"Kayo ho, diyan? Ku-kumus-ta?" My voice cracked. Tumingin ako sa kalangitang kulay nagpapaalam."K-kami ho? Okay lang po kami, Mi.. Ako, Mi.. masayang-masaya ako ngayon.. sobrang saya ko. Pero mas masaya sana kung nandito ka..."
"Ang bilis ng 3 years, Mi, noh? Ang bilis-bilis... Pero hanggang ngayon, buhay ka pa rin.." I smiled bitterly. "Di-to." I pointed my heart. My tears started falling. I blinked thrice looking at the beauty of the drowsy sun.
Ang sakit-sakit.. parang pinipiga yung puso ko.
"Dalawin mo naman ako paminsan sa panaginip, Mi, o? Kahit isang beses lang?Kahit isang be-ses.." Napaupo ako at napayakap sa tuhod ko.
"Nami-miss ko na yung parang mala-armalite mo na bunganga.. haha haahah. Diba sabi ni Deh, nagmana nga daw ako sa'yo?" I smiled..
She's the mother of Dadeh Rick.. Simula nang sumakabilang-bahay si Alisson, si Mami Ya (In short for Iyanna De Vera) na ang nag-alaga sa amin ni Ceejay.. 'Di pa rin ako sanay na wala na siya... pero at least kasama niya na si Dadi Lu.
Parang kahapon lang.. sinesermonan niya pa ako.. hindi.. kami nila Gino and Angela. Palagi kasi kaming naglalaro sa labas. Nagba-bike rin.
Kung alam ko lang sanang mawawala ka ng maaga, hindi sana'y nanatili na lang ako sa bahay..
"Mami Ya-ay.. jud ka, Mi, ba.. Haha haha ha."
(Mahilig ka talagang mang-iwan, Mi.. Haha haha ha) I said jokingly."But I can't wait to see you..." Tinitingnan ko ang puntod niya.
"Hindi diyan!" Napatingin ako sa kalangitan. "Wag mo muna akong kunin..." Sabi ko ulit sa puntod ni Mami Ya. May babaeng tiningnan ako ng masama habang may binubulong sa kanyang kasama. Napakain tuloy ako ng siopao ng wala sa oras.
Akala siguro nila baliw ako kasi kinakausap ko ang puntod ni Mami Ya. Pakialam niyo???
I miss your "Alam mo ang swe-swerte niyo ngayon, kami noon umaakyat pa kami ng bundok, dadaan sa sapa, para lang makapag-aral." stories.
Nami-miss ko yung pagkanta mo kapag pinapatulog mo kami ni Ceejay. Yung boses mong parang may sariling vibrato-effect? Nami-miss ko 'yon. Binibilang ko pa nga yung segundo sa bawat pagbitaw mo nang lyrics eh. Napaka-unpredictable.
"Happy Birthday ulit, Mi.. Uuwi na po ako.. Magpakita ka sa panaginip ko mamaya, please? Isang hug lang eh... I love you.." Hinawakan ko ang puntod ni Mami Ya at nilagay ang paborito niyang biskwit: Fita.
Hindi pwede yung siopao at empanada, sayang naman. Ibibigay ko na lang 'to kay Dadeh Rick mamaya sa bahay. Pupunta pa ako sa gym sa Matina para mag-training.
BINABASA MO ANG
But That's Not My Name
RomanceAndrea Daine De Vera had the perfect plan: She'd be the best taekwondo player in her division, and she'll graduate from Junior High School with flying colors. Not until Tres Nigel Sy Moreno, her 3-year unrequited love, approached her one afternoo...