"After 3 Years"________________________________
M O N D A Y N I G H T
Pag-uwi ko ng bahay ay dumiretso agad ako sa kwarto ko. Pagkapasok ko sa aking kwarto ay napasandal ako sa pinto at naalala ang nangyari sa bus kanina.
"How about you?"
"Can I have your number?"
Bigla kong kinagat ang kanang kamao ko para pigilan ang sarili ko sa pagtili at baka marinig ako ni Dadeh Rick sa baba. Napaka-strikto pa naman no'n. Bawal daw mag boyfriend-boyfriend kung hindi pa graduate sa college.
At masunurin naman akong anak. I promised myself na after my college graduation, do'n pa
ako mage-entertain ng mga lalaki.Ng mga lalaki? Wow! Akala mo naman talaga maraming nagkakagusto sa kanya!
Nagsasayaw-sayaw na ako dito sa kwarto ko na parang sinasapian.
Tres asked for my number! Tres asked for my number! Tres asked for my number!
I still can't believe it. Finally, after 3 years napansin rin ako ni Tres. Lowkey crush ko lang talaga 'to. Hindi naman kasi ako yung tipo ng babae na gagawin ang lahat para lang mapansin ng crush niya. Nahihiya nga ako dito kay Tres, eh. Kapag nasa school kami at nakikita ko na siya na naglalakad sa direksyon ko, umiiwas talaga ako ng tingin.
Nilagay ko ang aking bag sa aking study table at napaupo muna.
"Pero sandali nga lang Andrea Daine.. akala ko ba titigilan mo na yang pagkakaroon mo ng crush kay Tres? Tsk. Tsk." Bulong ni Andrea Daine Uno sa aking kaliwang tenga.
"Akala ko ba? Acads first, sports second?' Bulong naman ni Andrea Daine Dos sa aking kanang tenga.
"How about Tres, third?" Sabi ko kay Andrea Daine Uno and Andrea Daine Dos.
Ughhh! Masisiraan na talaga ako ng ulo nito!
(Phone vibrates)
(You have a message from +63560806766)
OMG! Baka si Tres na 'yon!
- - Time: 6:20pm - -
[ Hi, Angela! :) ]Wait, what? But that's.. that's not my name..
- - Time: 6:30pm- -
[ Angela? ] Sinagot ko ang nag-text.- - Time: 6:31pm- -
[ Yeah. Isn't your name, Angela? ] Tanong niya.Oh, so si Tres nga 'to. Inglesero, e.
- - Time: 6:33pm - -
[ No. Haha. It's Andrea. ] Sagot ko.- - Time: 6:35 - -
[ Oh... I really thought it was your name. Lagi ko kasing naririnig sa hallways na tinatawag kang Angela, eh. My bad. :( ] Paliwanag niya.Bingi pala 'to, eh. Pasalamat ka gwapo ka.
- - Time: 6:37pm - -
[ I know I am not good with names. But I always remember faces. ] He said.- - Time: 6:39pm - -
[ No, it's okay. Medyo magkamukha rin kasi kami ni Angela. Maybe you've seen her pero akala mo ako siya kanina sa bus.. ] I repliedHays, akala ko pa naman number ko ang gusto nito.. kay Angela pala.
- - Time: 6:39pm - -
[ But I do recognize yours. :) ] He clarified.
BINABASA MO ANG
But That's Not My Name
RomanceAndrea Daine De Vera had the perfect plan: She'd be the best taekwondo player in her division, and she'll graduate from Junior High School with flying colors. Not until Tres Nigel Sy Moreno, her 3-year unrequited love, approached her one afternoo...