BTNMN12 [ A Mother's Love 🤍 ]

300 27 6
                                    


"Can Love Make Someone Stay?"

________________________________

🛏 ANDREA'S BEDROOM 🛏

You have 11 Missed Calls from SpaGino.

Nanlaki ang mga mata ko sa aking nakita.

11 Missed calls from Gino?!?!?!

Am I seeing this right??? Hindi tumatawag si Gino sa akin kahit kailan.. kapag may.. importanteng bagay lang.. gano'n.

Baka naman joke time lang, 'to? Pakulo niya lang?? Kasi.. gusto niya akong paglaruan???Sus, typical Gino! Alamkananakin (Kilala na kita) Trying hard maging PRANKSTER!!!

Tulad nung nangyari kaninang madaling araw.. patawag-tawag ka pa.. na pwede ka namang mag-sorry sa kinaumagahan.

Pero masyado namang literal, Gino! Pwede namang 8am o hindi kaya 10am!!! 2am talaga?!?! BANGAG KA TALAGA!!!

Wait... paano kung hindi? Paano kung .. may nangyari sa kanya na hindi maganda?

Kay Gino??? May mangyayari na hindi maganda??? Sa laki ng katawan no'n?! Sa height niyang akala mo pinaglihi sa Kapre, eh, may magtatangkang gumawa ng masama sa kanya???

Okay. Erase. Erase. Erase.

Ughhh, ewan ko sa'yo GINO! KASA LINNEN MOTO!!!

Pero.. ba't ako? Ba't ako yung tinawagan niya? Eh, si Angela? Ah.. baka una niyang tinawagan si Angela. Palagi naman kasing gano'n. Kapag may problema yung isa sa amin ni Gino, si Angela talaga yung tinatakbuhan namin.

I checked my unread text messages.

You have 2 unread messages.

SpaGino. Si Gino na naman???

I opened his 1st text message.

- - Time: 3:01pm - -

[ Rain, sa'n ka? ]

I opened his 2nd text message.

- - Time: 3:03 - -

[ I new ]

Sandali, ba't niya ako tinanong kung sa'n ako? Wala naman siyang pakialam kung saan ako gumagala. Tapos.. huh? A-ANONG I NEW???

I NEW You Were Trouble when YOU walked in??? Kanta ni Taylor Swift????

Swiftie ka pala, Gino?!?! Wow.. akala ko tatak OPM ka? HIPOKRITO!

I-New-nghaseyo??? Oppa ka, Gino?? OPPA-kan kita diyan, eh!!!

I-New bang kailangan mo sa akin, Gino???? Ha?!?!

You have a new message from Dadeh Rick.

- - Time: 8:01pm - -

[ Rain, ihatid mo yung iniwan ko na calamares at chopsuey kay Gino sa mesa.. ]

Wow! Pa special ka Gino??? Kami na nga nagpapakain sa'yo tapos hahatidan pa kita ng pagkain sa inyo?!?!

PUNGKOL KA?!?!
(Wala ka bang mga kamay?)

- - Time: 8:02pm - -

[ Unsa si Gino, Deh, pungkol???]

(Anong tingin mo kay Gino, Deh? Walang mga kamay?)

But That's Not My Name Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon