"Totoo Ba?"________________________________
[ 🌧 R A I N ' S P O V 🌧 ]
"OMG!!!! DREYYYYYYY!!!!" Pumipikit-pikit si OJ habang hinahampas niya ang braso ko. Napailing naman ako habang ngumingiti.
Kilig na kilig na naman po ulit si Ms. Olivia Jade!
Nasa cafeteria kami ng CABO Gang ngayon.
Dahil sa pangungulit nila sa akin ay napilitan akong ikwento ang mga nangyari sa lakad namin ni Tres kahapon.
"OJ, yung braso ni Drey.." Pagsita ni Bal kay OJ.
"Ay! Ay! Ay, ya, yay! I'm a little butterfly!" Chie teased Bal. Bal rolled her eyes. Tumawa naman silang dalawa ni OJ.
"So kayo na???" Sambit ni Chie.
"Hindi.. Hindi pa.." Sabi ko habang pinipigilan ang ngiti ko. Si Chienna naman ang humampas ng kabila kong braso.
Bwiset talaga 'tong The Duo na 'to!
Pero iba talaga yung bigat ng kamay ni Dora. Ang sakit! Napahawak tuloy ako sa kaliwa kong braso.
"Saan na yung Andrea Daine na nagsabi sa amin na bawal siyang lumandi hangga't 'di pa siya nakaka-graduate ng college?" Chie said.
"Sabi ko hindi pa diba? Hindi pa pwede maging kami.. Boto naman si Dadeh Rick kay Tres pero hindi pa pwedeng maging kami ngayon." Pagtatanggol ko sa paratang ni Chie.
"So.. getting to know stage? MU?" Sabi ni OJ
"Anong MU?" Tanong ko.
"Mutual Understanding. Nagkakaintindihan kayo na may feelings kayo sa isa't isa pero hindi pa kayo. Parang, pre-stage ng relationship." Pag-eexplain ni OJ na parang expert sa pag-ibig, Bumilog naman ang bibig ko at napatango.
"Basta ninang kami sa binyag ah?" Pangungulit ni Chie. I rolled my eyes. Ang kulit talaga nila!
"Alangan naman gawin ko kayong ninong sa binyag?" I teased Chie. Tumawa naman sila ni OJ. Nagpipigil rin ng tawa si Bal. Napangiti ako.
Mga leche! Wala pa ngang kasalan, binyag na kaagad ang pinag-uusapan nila!
Nung dismissal time ay mabilis akong naglakad papunta sa training room namin sa TKD.
"Nakita mo ba si Gino, Drey?" Bungad na tanong sa akin ni Gela. Kumunot ang noo ko.
"Huh? Ba't ako ang tinatanong mo? Hindi ba kayo ang mag-classmate?" Sagot ko.
"Hindi kasi siya pumasok ngayon. Tinatawagan ko siya pero hindi niya naman sinasagot yung phone niya. Naka 40 missed calls na ako, o?" Pinakita ni Gela ang screen ng cellphone niya.
Grabe naman yung 40 missed calls.
Palaging late si Gino kung pumasok pero hindi siya nag-aabsent.
BINABASA MO ANG
But That's Not My Name
RomanceAndrea Daine De Vera had the perfect plan: She'd be the best taekwondo player in her division, and she'll graduate from Junior High School with flying colors. Not until Tres Nigel Sy Moreno, her 3-year unrequited love, approached her one afternoo...