BTNMN04 [ Back to 1999 🗓 ]

500 44 17
                                    


"TAKE ME BACK TO D GOOD OL' DAYS"

____________________________________

P.S. If you're a fan of Reply 1988. Click the music above while reading this chapter. It will give you the feels :)

____________________________________

[ Back to 1999 ]

"Wahhh! Andrea - THE BLACK PIG"

"Ba't ang takaw mo?"

"Hindi ka ba nahihiya sa katawan mo? Mas malaki ka pa sa akin, e!"

Sanay na ako sa mga sinasabi nila.

"Ipasok mo lang sa kanang tenga, tapos ilabas mo lang sa kaliwang tenga." Lagi kong sinasabi sa sarili ko.

"Tapos ang itim mo pa!"

"Saan ka ba pinaglihi? Sa pwet ng kalde--"

Biglang naputol yung sasabihin ni Macy, leader ng Anti-Andrea. Narinig ko rin na bigla silang kumariwas sa pagtakbo.

May biglang humawak sa aking ulo at umilag naman ako dahil sa takot na masabunutan ako nito.

Habang pinipigilan ko ang malakas na pagdaloy ng aking luha, may sumilip sa akin galing sa baba.

Ang ganda niya... Maputi siya tapos hazel brown yung kulay ng mga mata niya na tila ba'y mga bituin dahil kumikislap-kislap sila.

"Hey, it's okay." She said with concern in her eyes "I won't hurt you." She added as she tapped my back.

Napatingala ako sa sinabi niya at bumungad sa 'kin ang isa pang bata. Lalaki siya. Kulot ang kanyang buhok at mapungay ang kanyang mata.

Parehas ata silang mas matanda sa akin, base sa kanilang tangkad.

Pumunta kami sa malapit na tindihan.

"Aling Gina, tatlong ice cream in a cup nga po!" Sabi nung babaeng lumigtas sa akin habang nakangisi.

"Here. Chocolate or strawberry?" Tanong niya sa akin with her contagious smile. Isa-isa niyang tinaas ang ice cream cups para makapili ako.

Tiningnan ko lang ang strawberry na ice cream cup at binigay niya naman sa akin kaagad.

"Ah, ito." Tiningnan niya ang strawberry ice cream cup.

"Mahilig ka pala sa strawberry? Ako rin!" Sabi niya.

Tumango lang ako. Hindi kasi ako sanay na may kumakausap sa akin ng ganito. Hays, kung nandito lang sana si ......

"O, Gino. Sa'yo na tong chocolate. Total paborito mo naman 'yan!" Sabay niyang binigay yung ice cream cup sa lalaki na kasama namin.

Ah, Gino.. Gino pala yung pangalan niya.

"Ay, tama. Angela nga pala!" She said while extending her hand to me.

Tiningnan ko ang kanyang kamay. Medyo alanganin pa akong makipag handshake sa kanya. Pero kinuha ko naman 'to.

"An.. An-drea" Pautal-utal kong sagot.

"Hi, Andrea!" Sabi niya "By the way, he's Gino. Taekwondomate ko." Inakbayan niya si Gino.

Nagulat ako nung sinabi niyang taekwondomates sila. Baka kapag nag-away kami nila, eh, bubugbugin lang ako ng mga ito.

"Ano ba, Gela." Tinanggal niya ang pagkakalabit ng braso ni Angela sa kanya.

"Ang arte naman nito!" Ginulo niya ang buhok ni Gino.

But That's Not My Name Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon