BTNMN09 [ The Jigsaw Puzzle 🧩 ]

403 34 25
                                    


"UmALIS si ALISson"

________________________________

F R I D A Y   N I G H T

🚘 TRES'S CAR 🚘

Tahimik lang ako sa byahe. Pati si Tres, tahimik lang. Nakakabingi ang katahimikan at nawawalan na naman ako ng hininga. Bakit ba kasi kapag kami lang dalawa ni Tres, mapa-labas man o sa loob ng sasakyan na ito, ay hindi talaga ako makahinga. Bumibilis ang tibok ng aking dibdib kapag nakikita ko sa aking peripheral view na madalas siyang sumisilip sa akin.

Oh! Hindi pala ako nakapagpapaalam kay Dadeh Rick na kakain kami sa labas nila Angela and Gino. Kinuha ko ang aking cellphone galing sa aking bulsa at sinumulan kong i-dial ang number ni Dadeh Rick.

I can hear his phone ringing in the other line. After a few seconds, he finally picked up my call. Hays, salamat!

"Oh, Rain, anak, napatawag ka? Uuwi ka na ba kasama si Gino?"

Tumingin sa akin si Tres..

Shit! Bakit naka loud speaker! Dali-dali kong sinet sa normal setting yung phone ko.

"Ah, hindi, Deh, e."

"Ha?"

"Ano kasi nakalimutan ko na magce-celebrate pa pala kami nila Angela and Gino kaya sa labas na po kami kakain, Deh. Sa may ano.. sa Rita's Market lang po."

"Ah, sige-sige. Okay lang, Nak. Basta si Gino ang kasama pauwi."

"Si Gino ang kasama pauwi" We said it in unison.

"O, siya-siya, enjoy my little caramel!" I heard him smile at the next line.

"Hmm.. sige, Deh. Thank you! Dadalhan kita ng pasalubong mamaya. Yung favorite natin!"

"Aasahan ko yan, Rain.. Sige-sige na. Ibaba mo na yung tawag na 'to at naghahanda pa ako ng makakain namin ni Ceejay dito."

"O-kay, Deh. Ingat! I love you." I whispered to my phone while covering my hand to it.

"Ikaw ang mag-ingat diyan sa labas. Hahaha I love you too, my little caramel."

"Deh! Hahahaha okay-okay bye." Ayoko talagang tinatawag niya akong little caramel. Parang bata lang? Hahaha

"You two seemed really close, huh?" Tres broke the silence between us.

"Huh?"

"I mean.. you two, with your Da-deh." He looked at me for a while then he faced the road ahead.

"Hahaha" I stifled a laugh. Ang cute ng pagkasabi niya ng "Da-deh"

"Ba't ka tumatawa? Haha haha" He was confused of my reaction.

"Nothing.. nothing. Uhmm, we're close .. yeah. Bata pa lang kasi ako, e, iniwa-"

Not that, Andrea Daine.. nadadala na naman ako sa aking pagkataklesa at malapit ko tuloy ma-share yung sitwasyon ng pamilya namin.

He looked at me earnestly.. waiting for what I would say next.

"Bata pa lang kasi ako, iniwa- ahh.."

THINK ANDREA.. THINK OF A WHITE LIE

"Bata pa lang kasi ako, inaaway na ako ng kapatid ko.. si .. si Ceejay. Haha haha ha"

But That's Not My Name Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon