BTNMN22 [ Intrams: The Opening 🔥 ]

232 14 25
                                    


"'Till Death Do Us Part?"

________________________________

🔥 SCHOOL GYMNASIUM 🔥

Nasa school gymnasium ako ngayon. Napakaraming tao at tanging mga sigaw ng mga estudyante ang naririnig ko.

"UY, ANG HOT NI NATSUII!"

"AY BASTA AKO SI GINO LANG!!!"

"SURE NA KAYO? EH, SI TRES ANG PINAKAGWAPO SA KANILA!"

Opening kasi ng Intramurals '13 namin ngayon, at sina Gino, Tres, at Natsuii ang mga torch bearers. Suot-suot nila ang kanilang mga sports uniform.

Si Tres naka basketball uniform. 🏀

Si Gino naka Tae Kwon Do uniform 🥋

Si Satanas, este, si Natsuii, naka soccer unifrom ⚽️

Tanaw ko sila habang naghahanda kami ni Angela at ng ibang Taekwondomates ko sa back stage. Magpe-perform rin kasi kami ng fight demo pagkatapos ng Lighting of the Torch.

Hudyat ng pagsisimula ng Opening Ceremony ang malalakas na ritmikong paghampas ng drums.

Pinangunahan naman ng Lighting of the Torch ni Satanas na galing pa sa pinakadulo ng gym. Blangko ang mukha niya. Pero bakas pa rin sa mga kilay niya ang inis. Palaging nakasalubong ang kilay niya akala mo talagang may dalaw siya araw-araw. Sinindihan niya ang unang coal.

Pagkatapos nitong magliyab ay ipinasa niya naman kay Gino ang torch at tumakbo si Gino sa 2nd coal at pinailaw rin ito at pinasa niya kay Tres ang torch para sa last station.

Nagningning ang aking mga mata nang tumatakbo na si Tres papunta sa 3rd station. At lumiyab naman ang puso ko nang tumingin siya sa aking gawi at nginitan ako bago niya sinindihan ang last coal.

Narinig ko ulit ang paghampas ng drums. Hudyat na ito upang simulan namin ang aming live-action demo ng Tae Kwon Do.

Sa sunod-sunod na paghampas ng drums ay nagsimula na ring pumunta ang mga sportsmates ko sa harapan para pumunta sa kani-kanilang formation.

Lumabas na rin si Angela at panghuli naman akong lumabas. Nakatalikod pa ako. Hinihintay ang pag-play ng instrumental na inihanda namin ng team.

Nang narinig ko na ang simula ng inihandang instrumental namin ay humarap kami ni Angela sa isa't isa.

"HAAAAAAAAAA!!!"
"HAAAAAAAAAA!!!"

We shouted in unison.

Pinaulanan niya ako ng mga sipa at suntok sa katawan at ulo na blino-block ko naman gamit ang aking mga kamay. At sa huli niyang pagsuntok ay itinapon ko siya sa sahig.

May nakahanda na matts at maingat rin kaming nag-ensayo nila Angela para sa live-action demo na 'to kaya calculated at precised na ang mga galaw namin.

May sumuntok rin sa likod ng aking ulo. Lumingon naman ako at binalot ang kamay ko sa nakakuyom na kamay nito. I twisted his arm and he knelt to the ground.

May sportsmate pa akong sumipa sa aking bewang pero nag bending lang ako at nagpa tumbling-tumbling ng dalawang beses at sa pagtayo ko ay sinalubong na naman ako ng isa ko pang sportsmate na lalaki. Sinubukan niya akong suntukin sa tiyan pero nakailag naman ako kaso mabilis niya ring pinalipot ang kanyang braso sa aking leeg na mas kilala bilang Back Choke Hold sa Ingles.

But That's Not My Name Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon