"What's Your Nickname?"________________________________
Nang makabalik kami sa campus ay nagri-ring yung cellphone ko.
[ Incoming Call: Dadeh Rick... ]
Accept or Decline"Ano Rain? Sabay na tayo mag-lun--"
Sinenyasan ko si Gino na tumahimik.
"Hello, Da---"
"Rain, anak! Congratsssss!! Top 3 ka daw sa Math exam niyo!" Randam na randam ko a ng saya sa boses ni Dadeh Rick sa kabilang linya.
"Ay... hala.. paano niyo po nalaman?"
"Si Chienna.. nak. Kanina pa kita tinatawagan kaso 'di ka sumasagot kaya tumawag ako kay Chienna tapos 'yon ang sabi niya sa akin.."
"Ah.. si Chienna.."
"O, ba't parag 'di ka masaya?"
Aba! Malamang! Dapat isu-surprise kita Deh! Chienna naman eh!
"Nasira yung surprise ko.."
"Anak naman.. na surprise nga ako.. sobrang saya ko... Ang galing talaga ni Gino magturo ng Math, noh?"
Diyan ka nagkakamali.. iba po yung nagturo sa akin sa Math.
"Oo nga po.. ang galing ni Gino. Haha hahaa haha" Napatingin ako kay Gino.
"Ako? Anong magaling ako? saan?" Bulong ni Gino sa akin habang tinuturo ang sarili niya.
"Shhhh!"
"Anong shhhh, Nak?"
"Hi, Dadeh Rick!!!" Sigaw ni Gino sa phone ko. Ni loud speaker ko na lang baka at agawin niya pa tong cellphone ko. Makikita niya ang wallpaper ko!
"Uy, Gino, anak! Ikaw pala 'yan!"
"Pinapatahimik po ako ni Rain, Deh.." Gino pouted.
Tangna Gino.. 'wag mo ako simulan.
"Pinapatahimik niya po ang nag Top 2 sa Grade 12 - Mathematics" Nagulat ako sa sinabi ni Gino.
"Top 2 ka?"
"U-huh.." Nilapitan niya ako nung pagkasabi niya nito.
"Aba!!! Gino, anak, congrats rin sa'yo! Salamat sa pagturo mo ng Math kay Rain at umangat ang exam grade niya. Nag Top 3 pa!"
"Oo nga po, Deh.. ang galing ko pong mag-tu-ro.. Hindi ba, Rain? Hmm?" He wrinkled his nose.
Bwiset ka talaga mang-asar Gino!
"Hays... napakaswerte ko naman.. sa inyo. Ano, Rain? Gino? May surprise rin ako mamaya sa inyo.."
"Ano po yung surprise, Deh?" Tanong ni Gino
"Tanga! Sinabing surprise nga! Ang bobo ampo--"
"Rain, yung bibig mo.." Sabi ni Dadeh Rick sa kabilang linya.
"Bakit, Deh? Sabi ko.. Gino, ba't ampo--"
"Sabing yung bibig m-" Sabi ni Dadeh Rick.
"Gino ba't ampo-gi mo kasi, Deh. Sige po, ba-bye!!!" Napahawak naman si Gino sa bibig niya. Mukhang gulat na gulat pero yung totoo tinutukso na naman ako nitong Bagang.
"Ampogi? Napopogian ka sa akin Rain?" Gino smiled sarcastically while he placed his right palm to his chest.
"Ikaw? pogi? In your dreams, Gino.." I rolled my eyes at him.
BINABASA MO ANG
But That's Not My Name
RomanceAndrea Daine De Vera had the perfect plan: She'd be the best taekwondo player in her division, and she'll graduate from Junior High School with flying colors. Not until Tres Nigel Sy Moreno, her 3-year unrequited love, approached her one afternoo...