"Bakit Nga Ba Mahal Kita?"________________________________
T U E S D A Y
Maaga akong nagising ngayong araw para mag-jogging.
Araw-araw naman ako nagjo-jogging. But this time, dodoblehin ko yung oras. Kaya 4am pa lang ay gising na ako. Isang oras ako magjo-jogging sa araw na 'to.
Puro Junk food kasi yung kinain namin ni Tres kagabi. Masyadong mabigat sa katawan.
As an athlete, mahirap talagang bantayan ang diet. It's hard to maintain a healthy lifestyle, and sleeping schedule alongside keeping up with the demands in school to excel as well academically.
Naka six rounds na ako. I still have four rounds to go. I am wearing my varsity windbreaker in royal blue with my family name printed at the back top part of it with my birthday below, black leggings, and white running shoes.
[ DE VERA 13 ]
Also, I am wearing my earphones right now.
(Song being played at the moment: "Never Say Never" by Justin Bieber ft. Jaden)
Isa to sa mga pinakapaborito kong kanta niya dahil na-feature to sa Karate Kid (2010) Isa rin sa mga pinakapaborito kong pelikula na tungkol sa martial arts.
Magandang mag-jogging dito sa village namin kasi may malaking basketball rin na pwede kong ikot-ikutan.
Nang papapunta na ako sa basketball court upang gawin ang foot drills ko ay nakita ko si Bagang
"Uyy.. Ms. Moreno" Nang makita niyang siningkitan ko siya ay nagsalita ulit ito "Este, Ms. De Vera po pa--"
"Salamat." Sinabi ko ng mahina. Napaawang ang labi ni Gino.
"Ha?" "Ano?" Inilagay niya ang kanyang kanang kamay sa kanyang kanang tenga.
"Sabi ko.." Bumintong hininga ako.. "Salamat." Tumingin ako sa malayo.
"Ha? Ano? 'Di ko marinig eh." Inilagay niya ang kaliwang kamay sa kanyang kaliwang tenga.
But this time, I was losing my patience.
Alam mo Gino.. ang kulit mo! Bahala ka nga sa buhay mo!
"AY AMBOT NIMO UY!!!"
(UGH! EWAN KO SA'YO!!!)I was about to leave Gino when he suddenly held my left forearm.
"Uy! Joke lang! Heto naman! Hindi mabiro." Nilakihan ko siya ng mata.
"You lost your chance." I rolled my eyes at him.
"Grabe naman... ang aga-aga pero bad mood kaagad???" Nagkibit balikat siya. Sinamaan ko naman siya ng tingin.
"Ayan.. dapat straight lang. Mas nagmumukha kang tao kapag hindi ka nakasimangot." He straightened my eyebrows that were furious at his childish behaviour.
"They hate you." Tinaasan ko siya ng kilay.
"But you love me. And that is..
"was, is, were importa--. Ay, basta! 'Yon ang importante para sa akin!"
"HAHAHAHHAHAHAHAHAHHA GAGO KA TALAGA"
Hindi ko talaga alam ba't ganito yung utak ni Gino. Math Genius pero pagdating sa English, kulelat.
Totoo talaga yung saying na, "You can't have it all."
"Ayan.. napatawa rin kita. 'Wag ka ngang laging nakasimangot parang pasan mo ang mundo, eh. At mas magan--" Hindi na natapos ni Gino ang sasabihin niya nang pinutol ko ito.
BINABASA MO ANG
But That's Not My Name
RomanceAndrea Daine De Vera had the perfect plan: She'd be the best taekwondo player in her division, and she'll graduate from Junior High School with flying colors. Not until Tres Nigel Sy Moreno, her 3-year unrequited love, approached her one afternoo...