FLIP - 17

45 6 19
                                    

FLIP - 17

"Panaginip lang pala." wika ko pagkabangon na pagkabangon sa umaga.

Agad akong bumaba upang mag agahan. Ngunit napatigil din kaagad ako ng makitang nag agahan na si Carter at nakaupo sa hapag-kainan na parang malalim ang iniisip at may mga eye bags sa ilalim ng mata.

I shrugged and went inside the kitchen to eat breakfast.

"Morning!" bati ko.

I only take cereals with milk while he's eating bread with ham and egg. I stilled and glanced at his plate.

How did he cooked by himself?

"G-Good morning." tugon niya at napatingin sa akin. Nakita atang nasa plato niya nakatutok ang mga mata ko kaya inalok niya ako ng pagkain niya. "Y-You want?"

Tinaasan ko sya ng kilay. "Nabulol ka ata? First time 'yon ah." komento ko habang nag sasalin ng gatas sa cereal.

He cleared his throat. "I'm just thinking about something."

Umupo ako sa upuan na katapat niya saka sinimulang kumain. "Share naman dyan.." udyok ko sa kanya.

Kumunot ang nuo niya at parang nagtatanong na tumingin sa akin. Kinunutan ko rin siya ng nuo at nakipagtitigan. Staring contest ata ito eh.

"What are you doing?"

"Ano pa ba? Edi ginagaya ka."

He tsked. "Don't you remember what happened last night?!"

Napaatras ako ng bahagya. "Oh bakit ka ba sumisigaw? Wala naman akong masyadong naalala kagabi. Basta pagkatapos kong kumain, nakatulog na ako."

He frustrating messed his hair as he mumbled something that couldn't hear. He keeps on doing that until I finished my breakfast.

"Seriously, wala ka ba talagang naaalalang nangyari kagabi? Tapos ako itong halos hindi makatulog kagabi nang dahil sa kakaisip sa ginawa mo!"

Napatigil ako sa pagalalakad para sana ilagay ang pinagkainan sa lababo saka humarap sa kanya.

"Hindi ko nga tanda! Sabihin mo na lang kaya para tapos ang usap noh?" inilagay ko saglit ang pinagkainan sa lababo at nakaharap na nakapameywang sa kanya.

"Ano kasi 'yon? Pwede bang straight to the point na? Medyo mahina kasi ang pang memorya ko. Pasensya na ha." ngumiting aso ako sa kanya.

Ang cute naman nitong asarin. Lalong namumula ang mukha.

"N-Nevermind." sabi niya sabay alis sa hapag-kainan dala ang bag papasok sa school saka umalis ng apartment.

Napailing-iling ako at umalis na rin ng apartment matapos kong mag toothbrush. Hindi man lang ata nag toothbrush yung lalaking 'yon bago umalis. Yuck.

"¡SE ACABÓ el tiempo! ¡apruebe su prueba, clase!" the Prof said it's time to pass our quizzes in Spanish language.

Parang pinagsakluban ako ng langit at lupa sa pagka dismaya matapos ang surprised quiz namin sa Spanish subject.

Wala kaming lahat na review sa subject na ito sa unang klase ngayong umaga kaya naman mga lugaw ang aming mga utak.

"Dios mio, esto es agotador." My god, this is tiring.

Mabuti na lang at ang Spanish subject lang ang medyo kaya kong salitain kaysa sa French, Italian at sa iba pang mga language.

Pinulot ko ang bag kong nasa ilalim ng desk ko at kinuha ang yakult kong baon. Medyo nauhaw ako kaya kailangan ko ng pampa refresh.

Once In A Lifetime (Athlete Series #2) - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon