PROLEGOMENON

14 1 0
                                    

EZTHER ARACELLI

Nasa isang sikat na parke kami ngayon. Dito lang malapit sa amin. 

"Tara na Ezra, marami pa akong gagawin." pamimilit ni Papa sa akin.  

Mahigpit ang hawak ng kamay niya sa braso ko pero dahil sa ganda ng mga lobong dala ng mga bata at mga laruang nakikita ko sa paligid, hindi ko ininda ang riin ng hawak ni Papa sa akin. 

Akala ko hinawakan niya ang kamay ko para hindi ako mawala ko kaya naman ay gusto niya akong igala pa sa ibang parte ng parke. 

Pero mali ako. 

"Balik na lang tayo," sabi niya sa mababang boses at dumiretso sa motor niya. 

Gusto kong umiyak. Kararating lang namin at ilang minuto pa lang ang nakalipas, hindi pa nga siguro nakalipas ang sampung minuto at ngayo'y inaaaya na niya ako pauwi. 

"Maya na," hirap sa pagbuo ng mga salita dahil sa maagang edad. Naiiintindihan niya pa naman siguro ang mga salita ko kahit ganoon? Pinilit ko siyang huwag na munang umalis. 

But because I was too young, I can't do anything, except to cry when we got into our house after that.

I was never loved in the house. I can never call it a home. I don't find comfort upon staying here. 

I have no friends, or even acquaintances. 

It sucks. It's exhausting. 

Akala ko magbabago iyong noong nasa high school ako. Kasi akala ko makakahanap na ako ng mga totoong tao na pwede kong maging kaibigan, at pamilya. 

Pero mali ako. 

"Hi," bati ko sa babaeng nasa kabilang area ng classroom. Nilapitan ko siya kasi alam ko malapit lang ang bahay niya sa amin. 

Sumimangot siya. "Umalis ka nga," natigilan ako sa sigaw niya. Mabuti nalang at hindi naman masyadong maraming tao dahil maaga pa kaya naman hindi nakakahiya. Akala ko tatanggapin niya ang alok kong pakikipagkaibigan, pero pinalo niya ang kamay ko. 

"Sabi ni Mama, huwag raw ako makipag kaibigan sa iyo dahil anak ka ng prosti." walang pag-aalinlangan niyang dagdag sa sinabi niya kanina. 

I am not offended that she called my mother a prosti, kasi kahit ang sarili kong tatay ipinapamukha sa aking ganyan nga ang kaanyuan ng nanay ko sa lugar namin. But I was offended because she used it as a reason to negatively took my friendly gesture. That always hinders me to be socially-active. 

Bakit kailangan nilang ikonekta iyon sa akin? She made a mistake. But that doesn't mean I got those traits from her. It's not hereditary for goodness' sake. 

Bigo akong bumalik sa inuupuan ko at kahit pa man dumating na ang guro, wala pa ring pumapansin sa akin. 

Nasa isip ko, baka dahil kakasimula pa lang ng klase kaya nagkakahiyaan pa ang bawat isa na makipag kilala. 

Pero mali ako. 

Kahit sa paglipas ng mga taon at sa pag graduate ng hayskul ganoon pa rin. Tinanggap ko na na isa ako sa napakaraming tao sa mundo na walang kaibigan. Kasi kahit sa magkaibang sections ko sa loob ng apat na taon sa high school, wala akong naging kaibigan. 

"Congratulations!" bati sa akin ni Johan. 

Akala ko habang-buhay na wala akong magiging kaibigan. 

Pero mali ako. 

Siya lang ata ang hindi nandidiri na kumausap o makipagkaibigan sa akin. Hindi malayo ang agwat ng bahay namin kaya naman parati kaming nagkikita at nagkaka-usap. 

Belonging Season (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon