Chapter 19

12 0 0
                                    

AVOID.

Weekend na. Bukas, may klase na naman.

Milleth has been texting me almost every hour since yesterday. Mabuti nalang hindi niya naisipan pang tumungo dito sa bahay.

Hindi niya naman tinatanong ang tungkol sa nangyari noong Friday. She was hesitant. But I think Jepp told him about it– bits of it... for sure.

I did all of my assignments. Nagawa ko pang mag advance reading. Ayoko lang mawalan ng ginagawa dahil ayaw kong may pumasok sa isip ko na tungkol sa kung anu-ano.

Nasa loob ako ng kwarto ko ngayon at may narinig akong nabasag sa labas kaya lumabas agad ako.

"Okay ka lang po?" tanong ko kay Mama na pinupulot ang mga bubog sa sahig dahil sa nabasag na plato.

"Okay lang ako, nak." sabi niya.

Nilapitan ko siya at kinuha ang dust pan at walis.

"Ako na po, baka mapa'no pa ang kamay mo." Utas ko at winalis ng dahan-dahan ang mga bubog.

Tiningala niya ako at nagulat pa ako dahil putlang-putla siya.

"Okay ka lang po?" tanong ko ulit.

Kinuha ko ang body thermometer at inilagay sa bahagi ng kili-kili para kunin ang temperatura niya.

Inalalayan ko siya paupo sa upuan at habang hinihintay na tumunog ang thermometer, kumuha ako ng isang baso at nilagyan ito ng tubig.

She rested her head on the wall. She must be feeling so unwell. Kitang-kita sa itsura niya.

Tumunog na ang thermometer kaya kinuha ko na ito.

38.5°C

Naku! Nilalagnat nga.

"Halika po sa kwarto, magpahinga na po kayo," yaya ko sa kanya.

She smiled weakly. "Huwag na nak, kailangan ko pa maglinis at maglaba ng uniporme ng papa mo, magagalit na naman 'yon." paliwanag niya.

Hay! Iyon pa rin ang inuuna niya kahit may sakit pa siya.

"Ako na po gagawa, wala na naman po akong assignment," sabi ko na lang para makapagpahinga na siya.

"Ako na," sagot niya.

Isa pa 'to.

May katigasan din kasi ang ulo nito. Kahit hindi na kaya gagawin pa rin. Kahit naghihirap na, tatapusin pa rin.

Ano ba naman ang magpahinga para maging maayos ang pakiramdam niya 'tsaka niya tapusin ang gusto niyang gawin kapag siguradong okay na siya.

Pinilit ko siyang magpahinga na muna. Binigyan ko rin siya ng gamot.

Papayag lang raw siyang magpahinga kapag sa sofa siya matutulog. Sa liit ng sofa namin, panigurado mangangalay siya roon, pero wala naman na akong magagawa kaya pumayag na ako.

Inilabas ko ang mga maruming uniporme ni Papa at tinignan ang bawat bulsa nito.

Tangina.

I saw a paper. It has his name on it.

Wala akong alam sa mga ganito, but I know this is not good.

Did he do something immoral?

Did he even realize that he's part the constituted body that represents civil authority of the government?

They enforce law and ensure the safety of the people.

Safety.

Safety!

Belonging Season (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon