Chapter 7

7 0 0
                                    

INTRAMS.

Ilang araw ko nang iniiwasan si Shana dahil bawat daan ko lobby, nandoon siya.

"Pansin ko lang, hindi ka na busy noong mga nakaraang araw tsaka ang aga mo umuwi, umalis ka sa club?" tanong ni Milleth habang naglalakad kami patungo sa huling subject namin ngayong araw.

Nagkibit-balikat ako at patuloy pa rin sa paglalakad.

"Oh shit," bulong ko sa sarili ko nang makita ko ulit si Shana... at Diana.

"Hello Ezra, can we talk for a while?" anyaya ni Diana.

Nagbuntong-hininga ako at tumango. Umalis na rin muna si Milleth at sabi bibili na muna siya ng snacks.

"Hindi talaga namin ugaling maghabol ng student para maging member ng club, pero, we're doing it for you." paunang salita ni Diana.

Napakunot ang noo ko. Bakit nagiging kasalanan ko pang hinahabol nila ako ngayon. Miyembro na nga nila ang nagpaalis sa akin simula't sapul.

"I mean, you are a real gem to the group, that is why we are doing this,"

"Hindi ako kawalan. Tsaka, wala pa akong nasisimulan sa kahit anong choreography kaya for sure makakahanap pa kayo ng papalit," kasi totoo naman. Isang meeting pa lang naman iyon kaya hindi magiging malaking problema kung mawala man ako.

"No, kasi, aalis si Shana at Jenny kapag hindi ka bumalik." Shoot. Edi nasabi rin.

Napatingin ako kay Shana at hilaw na ngiti lang ang iginawad niya. 

"Oh iyon nga dahilan? Ano naman kung umalis ron sila. Problema ko pa ba 'yon?" tanong ko pa.

"Hindi, ganito kasi iyan, nang natanggap kayo sa club, mayroon na agad nakahandang sets para sa iba't ibang genre. Ang hirap kapag marami kayong aalis." malapit na yatang mapigtas ang pasensya niya dahil sa tono ng boses niya.

"Pinapabalik mo ako dahil ayaw mong umalis sila?" paniniguradong tanong ko sa kanya.

She closed her eyes out of frustration.

"No, I mean, we want you too, dahil magaling ka sumayaw." she collected her emotions. 

"Miss Diana, don't sugarcoat things," I said in a straightforward manner. 

Before she could say anything, inunahan ko na siya, "You can use me, I can use you. Babalik ako sa club para hindi niyo na kailangan mag-reset. Babalik ako sa club for the sake na may club ako." my voice had no emotions in it. 

 I am surprised nakayanan ko pa talagang sabihin iyon. My life as a whole, most of the time it was chaotic, and never of a halcyon. Never a fairytale. But I often dreamt about what it feels like to live in tranquility. 

HIndi ko na kakayanin pa pati ba naman sa college life ko magulo. 

Sabay rin silang naglakad paalis at bumalik naman si Milleth pagkatapos ng ilang minuto.

"Are you okay?" tanong ni Milleth pagkalapit niya sa akin. 

Tumango lang ako bilang sagot. 

"May problema sa club niyo?" 

Nagkibit-balikat na ako at nagpatuloy na kami sa paglalakad patungo sa huling klase. 

As usual boring na naman ang klase. Pero dahil malapit na ang exam, kinailangan kong makinig. Ayaw kong nag-aaral kaya pilit kong iniintindi ang discussions kasi ayaw kong paulit-ulit aralin ang bawat lessons. 

Belonging Season (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon