Chapter 38

8 0 0
                                    

IN A WHILE 

I went back to the gym for another session of my fitness program. Nakakapagod. 

Naupo ako sa monoblock at pinunasan ang pawis ko. Pinahinga ko na rin muna ang paa ko at sumandal sa likod ng upuan. 

Sir Jomar calling... 

"Hello," bati nito sa kabilang linya. 

Napakamasayahin talaga nitong si Sir Jomar. Bakas ang kasiyahan sa boses niya. Siya iyong tipong hindi mo malalaman kung nakakaramdam ba siya ng lungkot dahil palagi lang talaga siyang nakangiti. 

The faculty would say that we are the total opposite. He's too bubbly. I'm too silent. 

I chuckled. "Hello," bati ko pero sa normal na boses. 

Even him can't change my usual monotone. Nasanay na rin siguro sila dahil sa tagal ng panahon na magkasama kami sa trabaho palagi naman akong nakasimangot at walang tono kung magsalita.  

"May party daw bukas sa faculty room, Birthday ni Miss Decy," balita niya. 

"Ay, oo nga pala, nasabi iyan ni Chrysan," sabi ko naman. 

"Nalulungkot ako," agad niyang sabi. Napakunot naman ang noo ko. 

"Bakit?" Nagtatakang tanong ko. Parang kanina lang, masaya siya nang binati ako.

"Hindi ako ang unang nakapagsabi sa iyo," sagot niya. 

I let out a sigh, and chuckled a moment after.

"Joke lang. Inabala pa kita, alam mo na  pala," sabi pa niya. 

Oh, Sir Jomar in his sad boy era. 

"Okay lang naman, para namang hindi rin ako nasanay sa pang-aabala mo araw araw, ano?" I fired at him. 

"Ang dali mo kasing bwesitin," sagot niya naman. 

"Mas bwesit ka!" Napairap ako dahil sa sinabi niya. 

"Alam ko naman, hindi mo na kailangan pang sabihin," natatawa niyang sabi kaya ay natawa na rin ako. 

Sinabi ko na sa kanyang nasa gym pa ako kaya naman ay binaba niya na ang tawag makalipas ang ilang minuto. 

  "Manliligaw mo?" Tanong ng lalaki sa harap ko na kanina pa pala nakikinig. 

I shook my head as an answer. Ayoko naman mag-assume. Ayokong maglagay pa ng meaning ang utak ko kaya isang iling na lang ang isinagot ko para hindi na siya magdagdag pa ng tanong.

Tumango naman siya. Hindi na ako nagsalita pa. 

-

"Hindi ganiyan," striktong sabi niya nang maibaba ko ang paa habang nage-exercise.

Pansin ko lang, pagkatapos ng break, hindi na siya nagcoconsider ng maling execution. Tapos kung kanina may grace period ako sa resting time, ngayong wala na. 

Wala naman akong sinabing masama kanina. Sa pagkakaalam ko, tumawag lang si Sir Jomar at uminom lang rin ako ng tubig noong break time kaya bakit naman siya mgagiging ganito? 

I closed my eyes and breathed heavily. 

"Pagod ka na?" Maamong tanong niya sa akin nang marinig niya ang malalim kong paghinga. 

Kani-kanina lang may halong galit ang pagtuturo niya tapos ngayon parang pusa na nakaharap sa amo niya. 

Really, I'm sorrounded by confusing people. 

Nang matapos ang session ay nag-ayos na ako sa CR para umalis. 

"Hatid na kita." Agad na sabi ni Zyden nang makita niyang lumabas ako ng banyo. 

Napakunot ang noo ko. "Dala ko ang motor ko." sagot ko. 

"Kaya nga ihahatid kita sa bahay niyo," sabi niya at tumalikod para kuhanin ang bag niya. "Mahirap na," dagdag niyang sabi pero hindi ko ito narinig ng maayos. 

"Ano?" paninigurado ko muna dahil hindi ko nga narinig ng maayos ang huling sinabi niya. 

"Wala, tara na. Ihahatid kita, dadaan rin kasi ako sa presinto." Sambit niya. 

I glanced at him. "Bakit?" tanong ko. 

I inwardly scolded myself. Mas mabuti pa nga't tango at iling lang ang bawat sagot ko tuwing may sasabihin siya. Bakit pa ako nagtatanong, eh pulis nga siya. Nagiging bobo talaga ako tuwing nariyan siya.  

He smiled. "May kukunin lang."  And walked his way outside the building. 

I hit my forehead with my palm. Gaga ka talaga Ezther Aracelli! 

Pinili kong huwag na magsalita pa at pinaharurot na ang motor ko. Nang makarating ako sa gate at tinignan ang likuran ko ay nakahinto rin siya. 

Papasok pa ba siya? Ayaw ko naman. Nandoon pa si Mama, baka kung ano na naman ang iisipin no'n. 

Lumabas siya mula sa driver's seat. Hindi ko tuloy alam kung ano ang sasabihin ko. 

"Hindi rin ako magtatagal," unang salita niya. 

Tumango lang ako. 

"Kumusta na Mama mo?" My eyes bawled. 

Alam niya ba? 

Bakit pa ako magtataka kung malaman niya? Nakausap na ni Mama si Milleth kaya baka sinabi niya ito kay Jepp. At saka, panigurado sa iba niya pa rin naman malalaman kapag nagkataon kasi wala naman akong balak na sabihan siya tungkol sa istoryang iyon. 

Nagkibit-balikat ako. "Okay lang naman." sagot ko. 

"Nagkita raw kayo sa school?" tanong niya pa ulit. 

Napatingin ako sa mukha niya. Gago, bakit niya naman itatanong iyon?  

"Isa lang nanay ko. Wala nang iba." Sagot ko naman sa tanong niya. 

 Tumango siya. 

Pauli-ulit ko pa ring itatatak sa puso at isip ko na siya nagluwal, pero hindi siya naging nanay sa akin. 

He went inches closer and hugged me. Amoy na amoy ko ang pabango niya. 

I got shocked but I never regressed. For the first time in a little while, I felt my heart throbbed again. It felt alive again. 

Sa ilang taong pagkamatay nito. parang may mahika sa likod at nabuhay siya ulit. 

It is this Salvallejo's elixir that I can't forget. Because I still get this effects from him, every damn time. 

Tumulo ang luha ko 

And I don't even know why. 

I can't think of a reason why. 

I just knew, this isn't just lone sadness. 

I breathed heavily. His organ of vision threw worry when he saw my tears. 

"Pwede ba ako magtanong?" tanong niya sa akin. 

Pilosopo akong tao pero bakit ngayon hindi ko magawang maging pilosopo sa kanya. 

"Are you okay?" Weirdong tanong niya. 

I shrugged. "I guess," tanging sagot ko sa kanya.

"How where you when I was away?" tanong niya pa ulit matapos ang isang minutong katahimikan. 

"Complete hot mess." Matapat kong sagot. 

"Pero hindi naman talaga dahil nawala ka, wag kang feeling," dagdag ko pa. Matapat man ako pero hindi ako marupok. 

"You still got all those pendantic behavior in you," agad niya namang sabi. 

He smiled inwardly. "After all these years..." 

Word of the chapter: elixir
n. a magical or medicinal potion.

Belonging Season (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon