Chapter 22

3 0 0
                                    

CD.

Nag aya si Milleth na pumuntang mall. Wala naman akong magawa. Wala si papa kaya pumayag na rin ako.

Kinuha niya pa ako mula sa bahay. Nandito kami sa bahay nila ngayon. First time ko pa makapunta didto. Palagi niya naman akong inaaya, ayaw ko lang talaga sumama.

She gave a blue shirt dress. Zara ang nakalagay sa tag. Mamahalin ba 'to?

"Bakit?" tanong ko.

Okay na ako sa suot ko. Naka t-shirt akong puti dahil wala na iyong mga pasa ko. Hindi umuuwi si Papa sa buong linggo kaya wala akong kung anong bahid ng kabayolentehan niya.

Kinakahiya niya ba ako?

Sana hindi.

Pero kung oo, maiintindihan ko naman. She's an elite and I'm not.

"'Di ko kasya, baka sa'yo, kasi mag petite ka sa'kin." Natutuwa niyang sabi.

Tinignan ko ang suot ko. "Okay na ako dito," sabi ko.

Ayaw kong may hinihiram na gamit. O kahit na ano. Ayaw kong makaroon ng utang na loob sa kahit kanino.

"Sige na, pagbigyan mo na ako," sabi niya.

"Hindi ako mahilig dito," pagdadahilan ko pa,

"Kaya nga try, let's try other styles, 'di ba?" pangungumbinsi niya pa.

Alam ko namang hahaba lang ang pag-uusap namin tapos siya pa rin ang masusunod kaya tumayo na ako para magbihis sa banyo niya.

Narinig ko ang boses ni Jamira na kakarating lang. Lumabas ako bitbit ang puting tshirt ko at pantalon. Hinihila ko pa pababa ang dress dahil maikli ito para sa akin. Parang isang sentimetro pataas mula sa tuhod lang ang taas. Hindi naman ganoong kahaba pero para sa akin na walang kahilig-hilig sa ganito, naninibago ako.

"See? You look stunning!"

Jamira exaggeratedly went to me and held my face. "Ezra! Ikaw ba 'yan? Ilabas mo si Ezra!"

Milleth laughed out loud. I spanked both of her arms kaya natawa rin siya. "Bwesit ka, do'n ka nga,"

Sumakay kaming tatlo sa sasakyan nila. May driver si Milleth kaya tabi kaming dalawa dito sa likod. Si Jamira ang naupo sa harapan.

"Saan na daw sila?" tanong ni Jamira at tumingin kay Milleth.

"'Di ko alam, baka nandoon na," si Milleth na nakatingin sa cellphone niya.

Sila? Sino? May iba pa pala kaming kasama?

Napatingin siya sa akin. Napansin yata ang reaksiyon ko. "Old friend, you'll love them for sure,"

This whole thing... introducing me to a world that I know I don't belong... scares me. Pero hindi naman siguro ako ipapahamak nina Jam at Milly. 'Di ba?

Sabi niya old friends, hindi niya naman sinabi kasama pala sina Jepp at Andrez.

"Ez, this is Aika. Ito si Jesse, si Quinn, Walter, si Lazi at si Seah!" Milleth cheerfully introduced.

Si Aika iyong nakablue na corset top. Si Jesse naman naka velvet red na blouse. Si Quinn iyong nakapink na Tshirt at puting shorts. Si Walter naka white shirt. Si Lazi nakapolo na itim, at si Seah ay naka white summer dress. Si Andrez naman naka army green na tshirt, at si Jepp ay nakasuot ng blue na tshirt ng isang sikat na brand.

Nanliit tuloy ang tingin ko sa sarili ko.

"Everyone, this is Ezra," she introduced me to her group.

Belonging Season (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon