Chapter 5

6 1 0
                                    

DANCE.

"Good Morning Educs," bati noong babae sa harap namin.

Noong pagkapasok nila, ang sabi'y dance troupe raw sila.

"Good Morning," sagot rin ng mga kaklase ko.

"Alam niyo naman na ngayong linggo ang club picking para sa freshies," sabi noong lider nila.

Tumango naman ang mga kaklase ko. 

"Our school has been consistently on top of the list in terms of dance performances for the past years," paunang sabi niya.

She paused for a while and looked around.

"And it's inevitable to lose members, especially our beloved seniors," dagdag pa niya.

"Hala, oo nga pala. Wala na si ate Jules." malungkot na sabi noong isa sa mga kaklase ko.

"Yep, wala na sina Ate Jules. And for this year, kami ang seniors. Sooner or later, gagraduate na rin kami, and for that, the club will need more members to fill in the gaps." dugtong noong babae.

Tumingin si Milleth sa akin.

"Siya iyong nanalo sa dancesport sa world competition, leader ng troupe for years." paliwanag ni Milleth sa akin.

Hindi ko naman tinanong, but, okay.

"We're open for auditions. Nandoon ang members sa auditorium every 4 PM to 5PM everyday. Anyone is welcome to join. This club is inclusive." their leader said with a smile in her face.

Pagkatapos ng pangangampanya nila, ay umalis din sila kalaunan.

Dumiretso na rin sa pag lecture ang prof namin kaya naman wala nang oras na magdaldalan ang mga kaklase ko.

I want to dance. It has been my passion. I got it from my mother, out of inheritance. It was my nature.

But as much as I want to nurture the talent, I don't want people to think that I'm stepping on to the path that my mother took.

Ayokong ihalintulad sa kanya. Iyan ang iniiwasan ko.

Nang lumabas ang prof pagkatapos ng oras niya ay agad namang humarap si Milleth sa akin.

"Do you want to join?" she asked.

"No." agaran ko ring sagot.

"What club do you want to join nalang? Thespians?" tanong pa niya.

"Maybe the Gazette, hindi ko pa alam." sagot ko sa kanya.

No one knew I love to dance. No one. Except me. I only dance when I'm alone, when nobody is around.

"Terror ang instructor nila." natatawang sabi ni Milleth.

Nagkibit-balikat lang ako.

"Oh! You want to sing? The chorale's nice though," she suggested.

"Sintunado ako." I said half-heartedly

"Uh, home maker's club?" dagdag suhestiyon niya.

"No, wala akong talent diyan." Ayoko sa mga ganyan. Napakaboring ko ngang tao kung tutuusin.

"Science society? O di kaya Math world?" she suggested more. Mabuti na rin at isa-isa niya nang sinabi sa akin ang tungkol sa mga clubs na iyon para naman may ideya ako base sa opinyon ng estudyante mismo. Sugarcoated kasi masyado ang nasa hand book kaya hindi ko magawang paniwalaan agad.

Umiling ako. Ayoko sa subject clubs, hindi nga ako nagseseryoso sa klase, sa club pa kaya?

"Uh, ano pa ba, hmm?" she looked up to think.

Belonging Season (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon