Chapter 2

10 1 0
                                    

STRIP.

Sa tinagal-tagal ng pag-iisip, nakapili rin ako ng unibersidad kung saan ako mag-aaral.

Wala naman akong ibang kaibigan sa lugar namin kundi si Johan pero hindi siya nag-aaral kaya wala akong kasama. Wala rin akong kaibigan noong high school kaya tutungo ako sa skwelahan nang mag-isa.

Baka bibili rin ako ng damit na gagamitin ko pansamantala habang hindi pa natatahi ang aming uniform.

"Nak, ito downpayment para sa pagpapa-enroll mo," mahinhing sabi sa akin ni Mama.

"Hindi Ma, may naipon pa naman ako, tsaka 'di ba may scholarship ako, kaya may allowance na binibigay sa amin." Paliwanag ko sa kanya.

"Edi, idagdag mo nalang iyan sa mga naipon mo," she persisted.

Inilagay niya sa kamay ko ang pera.

Walang trabaho si Mama, at kay Papa lang kami umaaasa. Mataas naman kasi ang posisyon ni Papa sa pulisya kaya wala ring problema.

Bago pa man sila magpakasal, may trabaho si Mama, isa siyang accountant sa isang pribadong kompanya. Si Papa ang nagdesisyon na huwag na siyang magtrabaho para raw may maiwan dito sa bahay.

Mabait si Mama sa akin kahit na hindi niya ako tunay na anak. Wala silang anak ni Papa. Hindi ko alam kung sinadya ba nilang huwag magka-anak, o kung hindi lang talaga sila nabiyayaan kahit isa lang.

"Lalakad na po ako, Ma" pagpapaalam ko sa kanya.

Kumaway lang siya sa akin nang lumingon ako sa kanya.

Masyadong mabait si Mama para sa masahol na ugali ni Papa. Hindi ko nga alam bakit siya nagpakasal sa tatay kong walang ibang ginawa kung hindi kawawain siya.

Napabuntong-hininga ako sa mga naisip.

Tutungtong na ako sa kolehiyo sa susunod na pasukan. Dahil sa kagustuhan kong makawala sa mga masasakit na salita ng mga tao sa lugar namin kahit pansamantala, pinili kong mag-aral sa kabilang bayan. Hindi naman kalayuan, pero kinakailangan kong sumakay ng jeep o trisikel para makarating doon.

Bumaba ako mula sa jeep at tumayo sa harap ng gate.

Nagpakawala ako ng isang buntong-hininga at tiningala ang malalaking titik na bumubuo sa pangalan ng eskwelahan.

Bernham University.

Please be good to me.

Dumiretso na ako sa registrar at nag simulang magfill-up ng forms.

Scholar ako kaya may monthly allowance ako at bayad ang tuition ko. Nakuha ko iyon dahil ako ang rank 3 sa overall noong high school. Hanggang top 5 ang binigyan nila ng ganyang reward.

Kinuhanan rin ako ng litrato para sa ID. Kasama na raw iyon sa tuition kaya hindi ko na kailangan magbayad ulit.

Tanghali na nang matapos ako. Gusto ko pa sanang igala ang sarili ko sa loob ng skwelahan kaso gutom na ako kaya lumabas na ako ng campus at kumain sa isang carenderia sa labas.

"Isa po niyan, ate. Tsaka ito rin." Turo ko sa mga ulam na nakalagay sa lalagyan nito.

Napatitig rin ako sa kanya nang nakitang nakatitig siya sa akin.

"Ang ganda nang mata mo." Usal niya.

I faked a smile. Ayoko sa lahat iyong napapansin ang mata ko.

I have a protruding eyes and it is very peculiar . It is in a toasty topaz color.

Ayoko sa mata ko, dahil nagpapa-alala ito sa totoong nagluwal sa akin. Hindi ako masama, pero hindi ko masisisi ang sarili ko kung ayaw ko siyang tawaging ina. Dahil ang totoong ina, hindi nang-iiwan ng anak.

Belonging Season (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon