Chapter 25

5 0 0
                                    

TEAR.

From: Jepp
Sorry.

Natanggap ko ang text niya nang nasa bahay na ako kaya naligo at nagbihis na muna ako bago magreply.

While in the bathroom, the scenes earlier played a flashback.

I mean, kahit siguro mabaliw ako sa kanya hindi ko gagawing wallpaper o lock screen ang mukha niya. I think those moves are only for the desperate and obsessed ones.

But is he desperate? Is he obsessed? I don't think so. Pero bakit nga ginagawa niya iyon? I never thought about it. Never did it ever crossed my mind.

From: Jepp
Hey, are you good?

Text niya ulit nang hindi ako nakapagreply.

Ano ba naman 'yan? Atat ba siya?

To: Jepp
Oo.

What should I say? That he's making his own problems? That I never thought about him changing his lock screen with my face?

From: Jepp
Papalitan ko ba?

Is this sarcasm? Ang sarap niyang tadyakan! Nang hindi makatiis ay tinawagan niya ako.

"Hello?" paunang sabi niya.

"Ano ba?" singhal ko.

"Ang sungit," tawa pa niya.

"Bakit ba?" tanong kong muli.

I am definitely not liking what I am feeling right now.

These little quivers, the perspiration and uncompromising heart palpitations, all because of him.

"Gala tayo bukas?" tanong niya.

Inaaaya niya ba ako o tinatanong?

"Ha?"

"Sa park?" patanong na sabi niya ulit.

"Bakit?" ako naman ang nagtatanong ngayon.

"Kasi, walang klase bukas?" he asked one more time.

But I think it's not really a question. It's more likely of asking for approval.

"Hindi ko alam," sagot ko.

Lumabas ako nang tinawag ako ni Mama para sa hapunan. I saw my father in the living room, sliding his things inside a huge backpack.

Napatingin ako kay Mama.

"Sa baryo sa may bukirin," mahinang sagot niya sa mga tanong na hindi ko naman isinatinig.

I was relieved. I was happy for the fact that he'll be out of here even just for a while.

Isa lang iyon sa mga bagay na gusto ko sa trabaho ng ama. Ang umalis sa bahay at hindi bumalik... kahit saglit.

I never ever thought of reaching this point... of being happy if he leaves.

Sa mga susunod na araw kami lang ulit nina Mama ang matitira dito sa bahay. Noong high school naman ako, madalas siyang umuuwi at kung mawawala man ay hindi kasing-tagal gaya ngayon.

Maybe everything really changes in time.

Naaalala ko lang, na umuuwi siya araw-araw sa bahay noon. Ngayon, madalas na siyang umalis, at mas matagal bago bumalik ulit.

At sa panahon na hindi siya makakauwi, nagiging payapa ako.

"Ikaw na muna ang bahala dito sa bahay sa mga susunod na araw," pagsasalita ni Papa habang nakatingin sa akin.

Tumango ako.

I went back to my room after eating. Jepp won't stop texting me. Nakakarindi!

From: Jepp
Kahit ngayon lang.

Belonging Season (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon