Chapter 34

5 0 0
                                    

ONE MORE.  

"HIndi naman kasi ako madalas umiiyak, hindi ko lang alam kung anong gagawin ko. Ngayon pa lang kita nakita ulit," paliwanag ko sa kanya. 

Tinignan niya ang dala niya. Ice cream ito at dalawang cake na nakabalot sa plastic.

"Na miss ko nang ilibre ka, eh. " Sabi niya nang tinignan ko siya na may tandang pananong sa mukha.

Agad naman akong napangiti sa sinabi niya.

"Pero sa susunod, ako naman ang ilibre mo," dagdag niyang sabi.

Bumalik naman sa pagtatrabaho ulit ang mga estudyanteng natigil sa paggalaw dahil sa nasaksihang eksena namin ni Milleth kanina.

I wanted so bad to ask her about everything that has happened before.

But that won't sound right. Kadadating niya lang at kakakita lang namin tapos iyon pa ang pag-uusapan namin.

Sinama ko naman siya nang papunta kami sa classroom ko. 

"I took a 2-year culinary class," saad niya. Napatingin naman ako sa kanya dahil sa sinabi niya. 

I smiled. 

At least she didn't let my bastard father ruin her future. At least, she was able to lift herself up when she was beguiled by my father.

"Ayaw mo na mag teacher?" nag-aalangang tanong ko. 

"I don't know why but I just woke up one morning and realized, teaching is not really for me," sagot niya naman. 

"Ikaw ba, masaya ka naman?" tanong niya nang hindi ako sumagot. 

Nagkibit-balikat ako. She probably didn't knew about my mom's state. Ayaw ko naman ding sabihin. I don't want her to look back on to what happened a long time ago. 

We are all trying to forget and forgive ourselves. We all want to live each day without the feeling of guilt and desolation. 

It happened. But we shouldn't let if affect our life as a whole. 

Sinikap niyang maging okay ulit. Sinikap kong maging okay, at sisikapin ko pa. 

We went to a near restaurant when I dismissed my last class for today. Hindi pa naman umaalis si Milleth. She was just there, sitting on the backrow, listening. Akalain mo rin, mukha rin siyang estudyante ko. 

Inayos ko na ang bag ko. Sabi kasi niya ay doon na raw kami kakain sa may malapit na restaurant sa labas. Bagong bukas iyon kaya gusto ko ring subukan. Kung wala rin naman kasi si Milleth ngayon, panigurado sa bahay na ako kakain. 

She led the way, just like before. 

Habang naglalakad, naisip ko rin kung paano niya nakayanan iyon. Ang bigat kaya sa pakiramdam nang nangyari sa kanya. 

"Dito tayo, okay lang?" Lumingon siya sa akin at nagtanong. 

I nodded. "Oo naman." 

I just ordered kebab and macaroni soup. Wala lang, para na rin tipid. Ayoko nang masyadong magastos. Sinusweldo ko pa si Nurse Izy, tapos may mga gamot pa si Mama na kailangan niyang inumin. Hindi naman iyon iyong pinakamahal pero kasi maintenance niya iyon hanggang maging okay na siya kaya kada linggo ako bumibili dahil iyon ang sabi ng doctor niya. 

"Iyan lang ang sa'yo?" tanong niya sa akin. 

Tumango ako. "Oo, sakto lang sa akin 'yan," sagot ko sa kanya. "May strict diet rin kasi ako, sabi ni... sabi ng gym instructor ko," kinakabahang dagdag ko pa. 

Tumango naman siya. "Naggy-gym ka na pala? 'Di ba, sabi mo noon, sakit ng katawan lang ang naibibigay niyan sa'yo," natatawa niyang sabi. 

I shrugged my shoulders. "I have to," sagot ko nalang. 

Wala naman talagang pumipilit sa akin. It's just that. I don't really like my figure right now. Naibababa ang confidence ko. Parang takot ako anytime na atakehin sa puso dahil lang kulang ako sa ehersisyo. 

"Your body's okay. But wala rin namang masama, lalo na at good for the heart ang exercise," pagsang-ayon niya. Tumango naman ako. 

"In a different sense. healthy ba ang heart mo ngayon?" tanong niya ulit. 

"Oo naman, wala naman akong nararamdamang kakaiba," sagot ko naman. 

"C'mon, Ez. You know hindi iyang ang tinutukoy ko," natatawa niyang sambit. 

I frowned. 

"Tigil-tigilan mo ako, Milleth." Saad ko at sumandal sa inuupuan ko. 

"Bakit?" tanong niyang muli. 

"Wala akong panahon diyan," sagot ko nang hindi siya tinitignan at nakatutok lang sa pagkain. Ayokong mahalata niya ang nararamdaman ko. Hindi pa naman ako tinitigilan nito. 

"Ez, you have all the time in the world!" Maligaya niyang sabi. 

Hindi naman ako sumagot. 

"Hanapan kita, gusto mo? Maraming kaibigan si Lucas na single. Baka may maka-match ka," saad niya at kinuha ang cellphone. 

Tsaka... Lucas? Sino iyon? Boyfriend niya? 

Hindi rin naman nakapagtataka. Maganda si Milleth. Magaling rin mag-ayos ng sarili. 

Her mood changed after putting her phone down, pero hindi ko lang iyon pinansin. Baka lang may hindi sila pagkakaunawaan ng boyfriend niya. 

I continued eating. 

Nauna ang matapos kaysa sa kanya kaya ay hinintay ko muna siyang matapos bago balak na tanungin. 

"Ez, may isa pa palang gusto kang makita," sabi niya sa maliit na boses. 

Bigla akong kinabahan.  Iniisip kong mabuti kung sino pero wala akong maisip. 

"Teka tawagin ko lang." Saad niya at tumayo. Hindi naman ako nakapalag dahil nagsimula na siyang maglakad. 

Hindi naman siguro pulis no? Hindi niya naman siguro ako balak ipaaresto?  Wala naman yata akong kasalanan, 

Pero kinakabahan ako. 

Tumunog ang wind chimes hudyat na may pumasok sa loob kaya ay napalingon ako doon.

Naunang maglakad ang babaeng lubos na ayaw kong makita at kasunod niya si Milleth. 

Si Eliz. 

Wala siya sa tabi ko, pero alam ko ang mukha niya. 

Gustong-gusto kong magalit pero wala ako sa tamang lugar. Ayokong maiwala ang pagkapropesyunal ko dahil ito nalang ang mayroon ako. Ayoko rin namang mag-eskandalo dito dahil masyadong maraming tao. 

She hugged me. 

But I stayed still. 

I don't want to cry. 

I looked at Milleth and she just bowed her head. 

I just want to question, why she needs to show up? Hindi ko naman siya kailangan. Hindi ako mamamatay nang wala siya. Mabubuhay ako na ako lang. Mabubuhay kami ni Mama.

Pero hindi naman ako galit na hindi niya pinaalam muna sa akin. 

Pinigilan ko ang sarili kong makaramdam ng awa... o nang kahit na anong emosyon.

Hindi ko pinalakas ang sarili ko para lang sa wala. 

Word of the chapter: beguiled

v. trick (someone) into doing something.

P.S. This is just a short update. Busy po sa school. I still hope you liked it. :)

Belonging Season (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon