Chapter 14

5 1 0
                                    

CLOUDS GATHER.

"Ez!" tawag sa akin ni Milleth.

I looked at her, emotionless.

"Kanina pa ako tawag ng tawag sa 'yo, what bothers you?" tanong niya.

"Is something wrong?" dagdag niya pa nang hindi ako sumasagot.

"Wala naman. Huwag ka nang mag-alala." I said what I needed to say.

"Are you okay?" she asked hesitantly.

"Okay lang naman ako," sagot ko sa kanya, walang badya ng pagdadalawang-isip.

She frowned. I know she doesn't buy that but I thank her for not opening up about the topic, again.

Parang noong isang araw lang ang bait ni Papa, tapos ngayon, may pasa na naman ako.

He held my arm too much that it caused a bruise. Mabuti nalang at hindi ito namamaga.

Nangangalaiti siya sa galit nang makauwi ako sa bahay dahil nakabukas ang TV pagkarating niya.

Bakit ako ang may kasalanan? Nauna nga siyang nakauwi kaysa sa akin kaya malamang hindi ako ang nag-iwan nito.

Namamalengke rin kasi si Mama nang makauwi si Papa kaya ako ang napagbuntungan niya ng galit.

He looked like he had a bad, bad day... or week. Buong linggo siyang araw-araw umuuwi sa bahay at buong linggo rin siyang umuuwi na dala ang lahat ng galit galing sa trabaho niya.

Hindi na nga ako nagsasalita tuwing nandiyan siya kasi alam kong galit siya sa akin dahil anak ako ni Eliz.

Putangina lang! Edi hindi sila nag milagro ni Eliz noong araw na iyon nang sa gano'n wala ako rito. Edi wala siyang kinagagalitan araw-araw.

O kaya ay iniwan nila ang sa kalye, baka pa't mabubuting tao ang makapupulot sa akin. Kahit pa sa lansangan ako lumaki, kayang-kaya kong ipagpalit ang buhay na mayroon ako ngayon.

"Bakit mo iniwang nakabukas iyan?" He grabbed my hand and shouted that in my face that one afternoon.

"Kararating ko lang, Pa," mahinahon kong sagot. Napapikit nalang dahil sa sakit ng pagkakahawak niya.

He's squeezing my arms like he's squeezing my entire existence.

Hindi naman ako nanunuod ng TV. Hindi ko nga nasubukang buksan iyan! Nakakanuod lang naman ako kapag sila iyong nagbukas o kung bumibisita ako kina Johan.

Pero wala akong alam sa mga balita. Kaya kung anong mayroon kung bakit galit na galit siyang nakabukas iyon, hindi ko rin alam.

Naabutan kami ni Mama na ganoon ang tingin at hwak sa akin ni Papa.

"Ako ang nag-iwang nakabukas niyan. Wala kasing tao nang umalis ako 'tsaka parang may nagmamasid sa labas kaya iniwan ko nang nakabukas para masabi nilang may tao pa rin." mahina ang boses na pagpapaliwanag ni Mama.

My father let my arms go. Patulak ang pagbitaw niya kaya muntik pa akong tumalsik sa sofa.

"Ez, okay ka lang talaga?" tanong ulit ni Milleth sa akin. Kanina pa pala ako wala sa sarili. Kanina niya pa pala ako tinatawag. Naisip ko na naman kung bakit masakit ang braso ko.

"Oo, okay nga lang, huwag makulit,"

Tapos na ang huling klase namin kaya ay dumiretso agad kami sa cafeteria para maghintay ng club hours.

Wala namang sinabi si Diane o kahit sina Shana kaya hindi ako dumiretso sa studio. Magte-text naman sila kapag kailangan nila ako.

Magsasalita pa sana siya pero inunahan ko na siya. "Okay lang ako,"

Belonging Season (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon