Chapter 39

5 0 0
                                    

JEALOUSY.

I looked for gowns. Malapit na pala ang prom ng high school. At gaya nang mga naunang prom, kasali pa rin lahat ng faculty. Masyadong marami ang nagrenta ng gowns sa bawat botique na dinaanan ko kaya ay hindi ko na gusto ang mga natira nilang gowns. 

I may have bland fashion taste  but I know what I like. Hindi ako nagse-settle sa kung anong mayroon lang. I need to like it. I need to be comfortable with it. 

Tapos na si Chrysan sa paghahanap dahil masyado siyang excited at noong isang linggo pa siya. Binili niya pa ito dahil ayaw niya raw sa mga renta dahil marami na ang gumamit. Choosy. Pero mas point naman siya. Uso pa naman ngayon ang pag-upload ng pictures sa Facebook. Ang pangit naman kung ang dami mong kapareha. 

Wala na akong ibang kakilalang nagpaparenta ng gowns. 

"Huwag nalang kaya ako sumali?" tanong ko kay Chrysan at naupo sa bench sa labas lang ng huling botique na pinasukan namin. 

"Gaga ka, unless gusto mo ng salary deduction, sige." Sabi niya naman. Busy pa rin sa cellphone. Kanina pa 'yan. 

I rolled my eyes at her. Masyadong malaki ang salary deduction tuwing absent. At masyado ring mahal ang mga gamot ni Mama. I should just join. Wala naman rin akong ganap sa prom na iyon kung hindi umupo para sa attendance. 

My phone rang. 

Si Milleth ang tumatawag. 

"Gusto kong magtampo. Bakit hindi ka sa akin nanghingi ng tulong?" Bungad niya. 

Napapikit ako. 

She's Milleth. She has eyes and ears anywhere. Pati na rin sa akin. I don't know where and how she's able to receive those. 

"Hintayin mo ako diyan. Alam kong nasa JCentrele ka," sambit niya at pinatay na ang tawag. 

Tiningala ko ang pangalan ng botique. JCentrele. 

Nasapo ko ang noo ko. Paano niya naman nalaman na nandito kami? Napatingin ako sa kasama ko. Iniwas niya ang tingin sa akin at nagkibit ng balikat. 

Huli! 

Hindi na ako nagsalita pa at hinintay nalang si Milly. Pagod na rin akong maghanap pa ng iba. 

"Sorry na!" Chrysan apologized. 

Tumingin lang ako sa kanya. 

"Alam ko naman may appointment pa ang Mama mo mamayang gabi kaya ayoko naman na gabihin tayo sa paghahanap," paliwanag niya. 

Hindi ko naman nakalimutan ang appointment ni Mama dahil palagi iyong nasa isip ko. 

Kung may mahalagang bagay man akong pinagtutuunan ng pansin, si Mama iyon. She's my top priority right now. Nothing else. 

Nang makarating na si Milleth ay sabay-sabay kaming pumasok sa isang eskinita. We stopped in front of a big cemented house-like boutique. Malaki siya. Kasing-laki ng isang normal na bahay. Ang it has tarpaulins around it. 

How I come I didn't know about this? 

"We're here!" Masayang sabi ni Milleth pagkalabas niya ng sasakyan. 

"This is Tati Vlanche's friend, Mami Karla." she introduced us to the owner. I slightly bowed my head. 

Hindi rin nagtagal ay pumasok na kami sa botique niya. I was in total awe. Ang daming nakadisplay na mga mannequin at iba-iba pa ang mga suot nila. It also comes in different body sizes. 

This is heaven for girly girls. 

Sa kaliwang bahagi ay mga mga heels rin na nakadisplay sa isang glass divider. Sa maliit na high table naman at may mga accesories. 

Belonging Season (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon