Chapter 18

7 0 0
                                    

NEW.

Eliz?

Napa nganga ako.

Bakit niya naman ako bibigyan? Ano 'to? Regalo? Pautang?

"Sana tanggapin mo 'to. Alam ko hindi nito mababayaran ang pag-iwan ko sa—" pagbabasa ni Jepp pero pinutol ko siya.

"Stop," utas ko. Pilit na kinokontrol ang paghinga.

Wow. Ang kapal ng mukha niyang magpadala ng regalo ng gano'n lang.

He looked hesitant while looking at me. Ambivalent if he should go or not.

I heaved a sigh.

"Ang saya kaya mabigyan ng regalo ng magulang." usal niya sa kalagitnaan ng katahimikan.

I looked at him. Really?

I scoffed.

"Wala kang alam." mahinang sabi ko.

Galit ako kay Eliz. Hindi ko alam kung gaano karaming dahilan ang pagkaayaw ko. Ang tanging alam ko lang ay galit ako sa kanya.

How unworthy am I to be left alone like that? I know she was young. I know she was incapable.

Why would you go through a maze when all you ever wanted was to walk straight?

"Palagi mo na lang sinasabi 'yan." tipid ang ngiting sabi niya at naupo sa tabi ko.

Isa pa 'to! Ngayon tuloy doble na ang kabang nararamdaman ko.

Why is he even here?

Oo, nasabi niya na madalas siya dito. Inangkin niya pa nga ang lugar kahit hindi naman sa kaniya.

Pero bakit nandito pa rin siya kahit nandito ako?

I really don't get it.

Because if I were him, hindi ako didiretso kapag alam kong may ibang tao–kahit hindi ako.

"Wala ka naman talagang alam. Ano bang alam mo?" hamon ko sa kanya.

I know he has something to say in his mind pinipigilan niya lang.

He pursed his lips.

Why the hell am I going through this?

Pwede naman na huwag siya magparamdam sa akin. Kahit sa buong buhay ko hindi siya magpakita, o kahit ganitong nagpaparamdam. Hindi ko siya kailangan. Kahit bumalik pa siya, hindi ko siya mapapatawad.

"Wala, 'di ba? Kaya wag kang umastang alam mo ang storya ng buhay ko."

I know I was harsh.

"Sorry." tanging sinabi niya.

Wala naman siyang kasalanan. Walang masama sa sinabi niya, Kahit sabihan niya pa ako ng masasama, wala siyang kasalanan. Kasi hindi nila kasalanan na wala silang alam.

Ayaw ko rin sisihin si Eliz, kasi ayaw kong maisip siya. Ayokong may puwang siya sa buhay ko kahit saang aspeto.

Maybe that is the reason why I am so hard on myself. Because I got nothing to blame, so I blame myself—which I know is wrong.

Kailan ko naging kasalanan na isabuhay ako ng may ayaw sa akin?

I breathed heavily.

"Alis na ako," pagpapaalam ko.

Palapit na ako sa bukana ng igloo nang tawagin niya ang buong pangalan.

"Ezther Aracelli," buo ang boses na tawag niya sa akin.

Paano niya ako kilala? Wala naman akong sinabihan ng totoo kong pangalan. Or did Milleth told him?

"May alam na ako tungkol sa'yo." nakangiting sabi niya. Para siyang unggoy na walang balahibo.

Kumunot ang noo ko nang tignan siya.

"Ganda ng pangalan mo, kasing ganda mo," mahinang sabi niya pa pero dinig na dinig ko pa rin.

"Tss," I hissed.

Tumalikod ulit ako at maglalakad na palabas pero tinawag niya ako ulit–sa palayaw ko.

"Ezra," tawag niya.

"Ano?" Seryosong tanong ko.

Humirit pa 'to ng isa, babanatan ko 'to.

Hindi siya magsalita at tinuro lang ang nasa lamesa.

Naglakad ako pabalik sa kinauupuan ko kanina. Kinuha ko ang regalo ni Eliz at inilagay ito sa bag ko.

Dahil sa pagmamadali ko ay nahulog ang sulat na kasama ng regalong pinadala niya.

Kinuha ko ito at binasa gamit lamang ang mga mata.

Nanginig ang kamay ko kasabay ng panginginig ng buong kalamnan ko.

I sighed again. I closed my eyes and begged them not to let any tear escape.

Isinara ko ang dalang bag at aalis na sana.

He also stood up. "Uuwi ka na?" tanong niya.

"May klase pa ako," pagsisinungaling ko at nagmamadaling

I am in the verge of breaking down. Ayoko umuwi ng ganito.

Ang hirap huminga. Ang sakit ng lalamunan ko. Naninikip ang dibdib ko.

"D'yan ka lang." awat ko sa kanya dahil pakiramdam ko ay susundan niya ako.

Malakas ako.

Oo, pero tao lang ako. May kahinaan rin ako. At ayaw kong makita niya 'yon.

He stiffed. Nagulat rin dahil sa sinabi ko.

Kumawala ang luha sa mata ko kaya ay tinalikuran ko na siya.

I hate myself for showing my vulnerability to anyone. Lalo pa kay Jepp.

I ran to the nearest building. Maingay. Shit. Dito nga pala ang studio.

"Oh, I thought you went home already," si Milleth nang magkasalubong kami.

Isa pa 'to!

Bakit kasi dito ako dinala ng mga paa ko. I have to be alone. I needed to be alone.

Kung hindi lang kasi pumunta si Jepp doon edi sana doon lang ako nanatili.

"May sadya lang," agad kong sabi at kumaripas ng takbo papunta sa gilid ng building.

Men's CR pa talaga.

Bahala na nga.

Wala namang tao kaya dali-dali rin akong pumasok dito.

Pinakawalan ko ang mga luha na kanina pa gustong kumawala.

I hate it!

I hate Eliz!

Galit din ako sa sarili ko. Dahil sa mga ginagawa ko nabibigyan ko siya ng puwang sa buhay ko. At wala sa plano ko iyon.

She should have just let me go on with my life, without her. Even without the slightest idea of her.

Hindi iyong ganito. Na sa bawat dinig ko ng pangalan niya, naaapektuhan ako.

I washed my face after crying for minutes.

That's it. I hope that ends it. Sana hanggang doon na ang pagiging parte ni Eliz sa buhay ko. Hanggang doon lang.

Word of the chapter: ambivalent

adj. having mixed feelings or contradictory ideas about something or someone.

Short update lang po. I got busy with school works and errands I had to attend to. Anyways, votes and comments are higly appreciated! God Bless us all!

Belonging Season (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon