"Ikaw na ba ang papalit sa role ni Katsu—" hindi pa man natatapos sa sasabihin ng leader namin ay umiling na agad ako at tumanggi.
Bakit kasalanan ko bang wala pa si Katsumi ngayon? Tapos ginagahol nila akong kabisaduhin ang mga linya niya? Bahala sila! Bukod doon, hindi ko talaga hilig ang umarte. Wala akong interes sa pag-acting. Kung hindi lang talaga dahil sa lintik na subject na ito, hindi naman ako magbibihis puno. Bwisit!
Sa totoo lang, ayaw kong gumanap hindi dahil sa ayaw ko ng role o hindi ako marunong umarte. I just don't want my partner! Sino pa ba? E'di si Salic! Kung ano-ano kasing pinagagawa sa amin. Mas pipiliin ko pang maging punong-kahoy nalang talaga ako.
"Gago kasi bakit mo sinapak kahapon si Salic?" natatawang tanong ni Callista. I just threw her a quick eye roll, sobrang chismosa nitong si Callista! Ewan kung bakit ko ba naging kaibigan ang babae na 'to.
"Eyy, naging kayo ba ni Salic?" suddenly, somone with a baritone voice popped behind me. It was my gay friend named Tatum. He is also known by the nickname of Tey or Tats.
"Punyetang kabuti 'to! Hindi 'no!" irap kong sagot. Ano ba 'yan dahil sa kaka-hate ko sa mga tao, napagkakamalan nilang may gusto ako sa mga 'yon.
Last time kay Kurtiel naman! Leche. Isa pa 'yon. Kaibigan siya ng pinsan kong si Yesu, madalas ko silang nakikita na magkasama mula nang lumipat siya sa school na 'to. Although, hindi ko naman hate si Yel. Actually, he is fine to be with naman... siguro? Nakasama kasi ako sa kanila once dahil kay insan.
"Sus, hindi nalang aminin. Baka nga may gusto, mars?" bulungan pa nilang dalawa. Nako, feeling ko masarap mag-unfriend ngayong araw. Lately, grabe na man-test ng pasensya mga tao.
"You know what, tigilan niyo ako sa mga gan'yan niyo kung ayaw niyong magkalimutan tayo!" I let out a sarcastic laugh.
They are my high school friends. Sila lang ata nagtagal kong kaibigan pero may nawawala pang isang bruha.
"Hellooo, bitches!" there she is, ang bunganga kay aga-aga! Akala mo wala sa paaralan si bruha.
"Hoy ano na! Buhay ka pa palang puta ka!" sabunot sa kaniya ni Tats, we laughed. A regular day started, ito na naman sa mga daldalan at katarantaduhan ng aking nga kaibigan.
"Hoy, Yu!" bungad niya sa akin, its my nickname na imbeto lang niya. "May chismis na kumakalat sa inyo ni Salic. Gaga ka! Narinig ko lang, nililigawan mo raw si Salic baby!" pahayag niya. Ito na ang madramang entrada ni Katsumi, ang magaling naming kaibigan. Aba, binabago pa ang usapan porket na-late siya ng dating!
At teka? Saan niya nasagap ang maling impormasyon na iyon? Ako? Liligaw ng isang lalaki!? No fucking way! Patayin niyo nalang ako, saksakin niyo nalang ako. Hinding-hindi ko gagawin 'yan!
"Weh ba? Ang pogi nga naman kasi ni Salic 'no?" pagtutuksuhan nila. Animo'y wala sa tabi nila ang pinag-uusapan nila. Ang titigas ng mga mukha!
"Pogi? I can only assume you're talking about me," said a familiar voice behind us.
Lumingon kami doon, everyone who heard him was stunned with his alluring smile. Tila ba natahimik ang lahat ng tao sa corridor, may dumaan bang anghel?
BINABASA MO ANG
Cross and Bullet
Teen FictionVasquez Series #3 After the tragic death of her brother inside the academy, Eurie Vasquez's world turned upside down. Consumed by grief and anger, she found herself harboring a deep-seated resentment towards the PMA-ers, blaming the institution for...