Wishing that I'll be
the man that'll touch and see
I'll give my love that can't explain
We will be running in the rain
and I will hold your hand___
Dati, naalala ko 'yong panahon na umuulan tapos nakita ko si Kurtiel sa may waiting shed, he asked me bakit ako sumugod sa ulanan. Tulad ko, wala rin siyang payong na dala noon. Akala ko pa nga ay papasilungin niya ako o 'di kaya ay io-offer niya iyong bench bath niyang dala pero hindi. Hindi ako naniniwala na totoo 'yong mga nasa pelikula na mga lalaki, kasi siya? Nagpaalam agad at iniwan niya ako doon.
Para pala siyang ulan, hindi ko inexpect na biglang darating. At iyong nararamdaman ko? hindi ko alam kung hanggang kailan magtatagal, kung matatapos pa ba? Titila pa kaya ito?
Hindi ko alam.
Nakakatawang isipin na sumikat ang kantang Binibini ni Zack Tabudlo, napakagandang mensahe ng kanta.
Isayaw mo ako
sa gitna ng ulan mahal ko
kapalit man nito'y buhay ko
gagawin ang lahat para sayo
alam kong mahal mo na rin akoI always love the idea of couple dancing in the middle of the rain, but turns out that someone wants me to be safe and dry all along, while holding my hands.
Gaya sa kantang inalay mo sa akin, Yel. Do you also wish to hold my hands? Handa akong tumakbo sa gitna ng ulan kung ikaw ang may hawak ng kamay ko.
Hay.
So, this is love. A love that makes you wanna dance. Loud love song, closed eyes, feeling the warmth of the morning. Imagining the beauty of the flowers in the field. It was enchanted. Everything is perfect.
Ang saya kong nagising, may klase pa ako. Nagsabi ako kay Leigh na ihatid ako sa school ko. Siya naman ngayon ang dumayo dito sa Baguio. Pumayag naman siyang ihatid ako. Habang nasa byahe ramdam ko iyong tense sa kaniya parang may gusto siyang sabihin or gawin.
"Insan, are you okay?" I asked.
He released deep sigh, "Eurie, gusto ko puntahan si Lianne sa ibang bansa."
Bahagyang napakunot ang noo ko at hinarap siya, diretso lang ang tingin niya sa daan habang nagmamaneho.
"Are you crazy? You don't even know kung nasaan siya."
"I'll find her."
I chuckle, "Nagpapatawa ka ba? Pilipinas palang ang laki na, sa ibang bansa pa kaya?"
Looking at him, mukhang desidido siya sa gagawin niya, naaawa ako sa pinsan kong 'to. Iba ang tama kay Lianne.
"Insan, kumalma ka ha? Hintayin mo nalang siya bumalik." pagpapakalma ko sa kaniya.
"You don't understand."
"You know what? I may not understand your situation but I care. Don't be so harsh on yourself, Leigh."
Biglaan niyang prineno ang kotse, nasa tapat na pala kami ng school ko. He just threw me a little smile, but look at his eyes, ang lungkot niya.
BINABASA MO ANG
Cross and Bullet
Ficção AdolescenteVasquez Series #3 After the tragic death of her brother inside the academy, Eurie Vasquez's world turned upside down. Consumed by grief and anger, she found herself harboring a deep-seated resentment towards the PMA-ers, blaming the institution for...