"Eurie, si Lianne? Pupuntahan ko si Lianne."
I was right. Iba ang tama ng mga pinsan ko kapag nagmamahal. It's been 2 years, Leigh. Hindi ko alam ang buong istorya kung paano sila nagkaganito, pero I know that there's a reason behind their pain.
I tried to contact Iesu, he's on his way na raw.
Nakakalat ang mga plates at art materials niya dito sa living room ng kaniyang bahay, pati mga book at notes niya narito rin. Tignan mo nga naman, kahit na stress sa love life ang ugok na 'to e, hindi naman niya pinababayaan pag-aaral niya.
Niligpit ko ang mga iyon kasi baka madisgrasya pa ang plates na pinaghirapan niya. Nang makarating si Yeye, sinalubong ko siya ng iling.
"Ano bang nangyayari d'yan sa pinsan mo?" reklamo ko nang makalapit siya sa amin.
"Oh, ba't pinsan ko nalang?" natatawang tanong niya, natawa rin ako pero hindi ko na iyon pinansin pa.
"Punasan ko muna ba siya? Ito binasa ko bimpo ng warm water," I asked insan.
"Sige lang," sagot nito at tinitigan ang plates na ginawa ni Leigh.
"Nasaan ka ba kanina? Hindi ka raw ma-contanct e," I asked, habang pinupunsan ang mukha ni Leigh para mahimasmasan.
"Kasama ko si Ingrid."
"Oh," mahinang bulas ko. Isa pa 'tong pinsan ko na 'to, asadong-asado kay Nayah. E, mukha namang iba ang gusto no'n e.
Hinayaan ko nalang iyon, alam ko namang masaya silang dalawa. I can't blame Nayah rin if mainis siya kay insan, bwisit kaya 'tong si Iesu.
Hay.
Pero sa totoo lang, ang swerte nila sa mga pinsan ko. Mahal na mahal sila ng mga 'to.
"Palitan mo na ng damit 'yan, baka pagalitan tayo pare-pareho ni tita Lexie," wika ko.
"Yeah, 'wag ka nalang rin maingay," sagot naman ni Yeye, tumango nalang ako. Ano pa nga ba? Kami-kami na lang naman ang magkakakuntsaba dito.
Tumayo na ako at naglakad, pero napahinto ako nang may maalala ako, "Uhm, Ye..."
Matagal akong nakatayo roon bago muling kumibo. Napatingin na si Iesu sa akin.
"What?" taas kilay niyang tanong.
Umiling ako, "Ay wala pala. Sige na, uuna na ako," paalam ko.
Itatanong ko sana iyong about kay Kurtiel. Nag-aalala kasi ako, last time kasi may nabasa ako sa tweets niya about 'Todo na 'yon? Ang hina mo naman.' Then may replied mga friends niya like 'kaya ka kinukuryente e.'
I released a deep sigh. Sana okay lang siya.
Madaling araw kinabukasan ay umuwi na ulit ako sa Baguio. Nang makarating sa bahay ay matutulog sana ako ulit pero naisip ko munang mag journal. Puno pala nito ang mga sulat ko para sa kaniya.
BINABASA MO ANG
Cross and Bullet
Ficțiune adolescențiVasquez Series #3 After the tragic death of her brother inside the academy, Eurie Vasquez's world turned upside down. Consumed by grief and anger, she found herself harboring a deep-seated resentment towards the PMA-ers, blaming the institution for...