08 - Three days

48 3 0
                                    

Eurie Vasquez' POV

After telling my friends na aalis na ako, agad ko rin binawi at sinabing biro lang. Ang tooo niyan, my parents are really planning na ipadala na ako ng Baguio kasi doon, mas mababantayan nila ako. Halos lahat ng business namin ay doon naka-base, we have transient house and food business there.


April na, nag c-clearance nalang kami sa ngayon at tapos na rin ang karamihan sa aming requirements for finals. Malungkot akong nakatitig sa papel na hawak ko habang mariin ang pagkakahawak dito.


Wala pa ni isang pirma. Napatingin ako sa classroom president namin na hawak ang mga clearance paper ng mga kaklase maliban sa akin. Marami-rami kasi ang violation ko this year at hindi nila ito pipirmahan hanggat hindi nakakausap sila mommy.


"Uy, mag isa ka?" sulpot ni Salic bago tinago sa bulsa niya ang tinuping clearance.


I just gave him a little smile bago naupo sa bench, gano'n rin ang ginawa niya. Nai-stress tuloy ako ngayon, hindi ko rin makukuha ang card ko o kahit masilip manlang sa student portal.


"Wala pa pirma clearance mo ah?" he noticed the paper I'm holding, agad ko iyon nilamukos.


"Hey!" pagpigil niya sa ginawa ko, pero huli na, gusot na 'yon.


I laughed bago tumingin sa kaniya, "Bakit?"


"Anong bakit? Why did you crumpled it?" halata sa mata niya ang pagkabahala. Umiling lang ako.


"Hindi naman rin nila pipirmahan, aanuhin ko pa 'to?" pangangatwiran ko.


"Pero importante pa rin 'yan."


"Okay. Plantsahin ko nalang," saad ko para tumigil na siya sa sermon.


Sus, isa naman siya sa dahilan kung bakit ako pina-guidance recently. Ano bang pakialam niya? I mean, okay na kami pero hanggang doon lang iyon, 'di ba?


"Sige, alis na ako," paalam ko sa kaniya at iniwan siya sa kinauupuan niya.


Nauna na akong umuwi dahil hindi ko naman 'to maasikaso agad kaya malungkot akong tumungo sa bahay nila Yeye para ipaalam na hindi p'wedeng pirmahan ang clearance ko nang hindi ko dinadala ang parents ko. Habang pinapaliwanag ko iyon, hindi ko alam na nasa banyo pala nila si Kurtiel at tiyak narinig ang ibinalita ko. Nahiya tuloy ako sa mga pinagsasabi ko.


He looked away and chose not to engage with my matter. Dumiretso siya sa sala at kinuha ang laptop at binuksan iyon.


"Bardagulan pa more," asar ng pinsan kong hindi naman ko matulungan, dinatungan pa ang sitwasyon.


"Lilipat na ako ng school," pag-iiba ko ng usapan habang naglalakad papunta sa salas. Napansin ako ang pag-angat ng ulo ni Kurtiel nang marinig niya iyon, sumunod naman si insan na naupo rin sa couch.


"Saan ka naman lilipat?" he asked.


"Maybe, sa school ni Migs? Pinag-iisipan ko pa. What do you think?" I laughed na parang biro-biro lang ang usapin na paglipat.


Cross and BulletTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon