15 - Sir Lardeo

49 4 0
                                    

March 20.

Nasa isang classroom kami, nakaupo ako habang nililibot ko ang mata ko sa paligid. Familiar ang school kung nasaan kami ngayon, hawig ito ng school namin noong junior high school. Ang weird dahil narito si Iesu, Callista, at Kurtiel.


Oo, si Kurtiel!


May pinapagawang activity sa amin ang proctor, isang tula tapos ibibigay sa taong gusto mo. Napatingin ako kay Kurtiel, na nasa tabi ni insan. Napapagitnaan lang kami ni Iesu. Kainis bakit ba dito pa 'to umupo sa gitna namin.


Maikling oras lang ang binigay sa amin para tapusin ang tula. Wala akong maisip pero nakatingin lang ako kay Kurtiel, paanong hindi ako makakagawa e, hindi naman ako nag-iisip ng simula. Ang sarap niya kasing pagmasdan, nakakaakit.


Nagulat nalang ako nang magtama ang tingin namin, halos mapabalikwas ako ng upo kaya naman umayos ako at umiwas ng tingin. Sinimulan ko na ang sumulat. Sumulat ako ng tula pero alam kong hindi ko rin ito kayang ibigay sa kaniya. Hindi nalang siguro ako magpapasa.


After a minute, pinapapasa na ang papel. I saw Kurtiel standing and holding with a bunch of papers. Nilapag lang niya iyon sa may table ko, without looking.


What the fudge?



"EURIEEE!" my cousin shouted na may kasamang kalampag sa pinto ng kwarto ko.


"Ang sakit mo sa tainga!" masungit kong sabi bago tumayo at lumapit para buksan iyon. Shet, panaginip lang!



"Go get yourself ready, we'll have lunch outside," mando ng masungit kong pinsan.


Damn, Kyle Miguel. Ayaw ko na kumain! Gusto ko lang naman mabasa lahat ng tula na binigay sa akin ni Kurtiel sa panaginip ko! Nasa lima o pitong tula ata iyon tapos purong tagalog at talagang malalim ang word of choice niya ha.


Bakit pa ako nagising? Kung kasama kita sa panaginip, gusto ko nalang matulog nang matulog.


APAT NA TAON.


Iyong sinasabi ko noon na tatlong araw ay umabot ng apat na taon. Gano'n katagal ko na siyang gusto. At malamang sa malamang, aabutin pa ito ng dalawa o tatlo pang taon.


I saw his story on Instagram last time, nakapasa siya sa PMA entrance exam, and today is his birthday. Naisipan ko siyang batiin.


Pag-check ko palang ng mga past convo namin, napangiwi agad ako. Puro birthday greetings and special occasions like Valentines, replied stories, at Christmas greetings. Wala na talaga kaming ibang pag-uusapan? Hanggang dito lang talaga ang batian natin?


To: Kurtiel Lardeo

: Happy birthday, Kurtiel! Kumusta? Balita ko nasa PMA ka na. Ingat ka d'yan lagi! Congrats sa'yo! Anw, more birthdays to come and God bless you sa journey mo sa PMA. May His travelling mercy be upon you.


Nag-reply lang siya ng "Thank you, Eurie" at hindi ko na siya ni-replyan pa.


Gano'n lang. Tapos agad ang usapan. Sobrang busy niya na rin siguro. Malapit na kasi siyang umalis. Nakita ko mga tweets niya, kakalbuhin na raw siya!


Cross and BulletTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon