02 - Serve

88 3 0
                                    

"How many times do I have to tell you, hindi ako ang pumindot ng fire alarm?" I swallowed as my throat started aching.


They knew me as warfreak pero hindi ako super tarantado na pipindot ng fire alarm para lang mang peste ng buhay ng marami. Perwisyo lang 'yan sa buhay.


"I need to see and talk to your parents on monday, Ms. Vasquez," mahinahong sabi ng aming principal.


Napangiwi nalang ako. Ilang beses niya na pinakiusap sa akin na gusto niya makita parents ko, as if naman dadalhin ko talaga sila 'di ba?


"Insan, Leigh, p'wede ba akong makituloy sa inyo tonight?" bulong ko mula sa kabilang linya ng telepono. Hindi kasi ako p'wede mag-ingay dahil baka marinig ako nila daddy.


"Nope," masungit nitong sagot.


"Madamot ka na—"


"We have group study tonight at dito sila mag o-overnight, Eurie. If I were you, d'yan ka na matulog sa inyo and just face the consequences of your actions," he laughed.


"Che!" binagsak ko nalang ang telepono. Sunod kong tinawagan si Boss sungit pero sampung taon na, hindi niya pa rin nito sinasagot ang tawag ko.


Tinawagan ko rin si Yeye pero gano'n rin, hindi sumasagot. Napaisip rin ako kung si Kuya Bryce kaya ang tawagan ko? But I'm sure he is not in the mood to entertain his cousin, ituturing lang ako no'n na isang bisita.


I dialed Yesu once again.


"Hello?!" pagalit kong bungad nang sagutin na niya.


"Sampung taon bago sumagot ah!" dugtong ko pa, tila matapang ang tono.


"Who's this?" wika ng isang pamilyar na boses. I thought si Yesu lang 'yon dahil sa pangalawang beses na nagsalita siya, tumatawa na siya.


"Hoy ano! Tumae lang ako!"


"Tss. Gross! On the way na ako d'yan," sagot ko, hindi ko na hinintay ang response niya ay tumungo na ako doon.


Dahan-dahan pa akong sumipat ng kwarto para hindi marinig ang pagbukas ko ng pinto dahil nasa kabilang room lang sila mommy. Hay, bagot na bagot na akong maging mag-isa. Only if kuya didn't taken too soon. I was never ready to be alone for him to leave that early. Akala ko aalis siya saglit lang tapos babalik rin pero what happened? Hindi na, hindi na siya babalik kahit kailan.


Naglakad lang ako mag-isa papunta kanila insan. Alas diyes na nang gabi pero may mga iilan pa rin naman na naglalakad, kailangan ko lang naman makapunta sa kabilang village na hindi naman  kalayuan sa bahay.


"IESU VASQUEZ!" I shouted while banging his gate. Sira kasi ang doorbell nila, pambihira.


"Hoy bakit ka nag e-eskandalo?" sigaw niya pabalik bago lumapit para pagbuksan ako ng gate.


"Makikikain. Ano ulam niyo? Nasaan si nanay mo na tita kong maganda?" dire-diretso kong sabi habang nauna akong pumasok sa bahay nila, nakasunod naman siya.


"Hi, Mamita kooo! Makikilamon po ako sana?" sambit ko at niyakap ko ang mommy niya na naroon sa may kusina. Dumiretso naman ako sa may refrigerator nila at kumuha ng chocolates ni insan. Galing pa 'tong ibang bansa, padala nila Mamita sa kaniya nang umuwi sila.


One thing na gustong-gusto ko rito pumunta kila Yesu ay dahil close kami ni mommy niya. Actually, I call her Mamita, a combination of mami and tita. Mas close pa nga ata kami nito kaysa sa tunay kong nanay, maybe because she wants to have a daughter. Sila mommy kasi ang gusto ay lalaki. Sa family line namin, ako lang ang nag-iisang anak na babae. Ang kwento sa akin ni mommy before, mahalaga sa pamilya namin na may lalaking anak dahil sila ang mag co-continue ng blood line namin.


Cross and BulletTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon