04 - Words are bullet

63 2 0
                                    

"Gusto mo bang tumigil na ng pag-aaral?" Dad threatened, his voice laced with disappointment and frustration. I knew I had crossed the line again, and my parents were becoming increasingly harsh and authoritative towards me.


The weight of their expectations was suffocating, and I didn't know how to live up to them.


Wednesday nang magkasama-sama ulit kami, galing kasi sila muli ng Baguio at galit na galit nga akong sinalubong ni Daddy. Natatawa ako kasi paulit-ulit lang naman ang sinasabi nilang pananakot, hindi naman ginagawa. I'll just apologize if alam kong mali ako at oo, nanghingi naman ako ng tawad kasi mali ang ginawa ko.


"Why didn't you tell us na pinapatawag kami sa school?" I could feel the tension between dad and me. Hindi ako makabitiw sa mga tingin niya. I gulped as I tried to regain my composure.


"Because even if I told you, hindi rin naman kayo pupunta," katuwiran ko habang nakatayo sa sulok ng dining area.


"Kasi nakakahiya ka," dad pointed out. His words hit me like a bullet straight through my heart, it was so sharp. It leaves an ache I didn't know I could feel.


"That's right. I mean... yeah," I whispered, and hid a little to release a little laugh.


Na-suspend ako sa school for three days dahil sa ginawa ko. Malapit ko na mapuno ang listahan ng kasalanan ko sa may Guidance. Nakakabagot! Bakit kapag mga pinsan ko makulit, hindi naman ganito kabigat 'yung parusa nila!?


Sa loob ng tatlong araw, nag-isip lang ako ng p'wedeng gawin, then I came up to this idea na magsulat ng novel pero wala pa akong title kaya naman nauwi nalang ako sa pagsulat ng mga tula.


I didn't expect na magagawa kong maging productive sa loob ng tatlong araw na walang gadgets at internet. That means no connection with friends and what's happening outside world. Akala ko nga tulog lang gagawin ko but look, nakatapos ako ng fifteen na tula. When I finally got my phone back, I got bombarded with text messages and missed calls from my friends at kahit kanila insan but I entertain none of them.


Gusto ko lang i-compose muna ulit ang sarili ko.


That's what I thought... dahil nang makita ko sila Tatum, bilang nawindang muli ang tahimik na mundong binuo ko sa loob ng tatlong araw.


"Kakanta ako videohan mo 'ko..." nagpa-video ako kay Kat, she's finally back. Samantalang, wala naman si Callista dahil busy sa training bilang girl trainee sa COCC. Nakapasa siya ng exam, kaya naka-proceed siya doon.

Natatawa ako habang nagtatago sa may likod ng hagdan, doon kasi banda mas maganda ang echo dahil wala rin masyadong tao. Kung ano-ano pa ang ginawa naming tatlo, nagkakasiyahan lang kami sa company ng isa't isa. After the first and second class, we escaped and went to Tatum's boarding house. Wala na kasing third subject pero babalik kami after lunch.


Ang parents niya ay nasa province, siya naman ay nakatira siya sa boarding house kasama ang ate niyang nag wo-work sa Manila.


"Luto tayo pancit canton!" sambit ni Tats, and all of us agreed. Nahila pa namin si Callista na natyempuhan naming pauwi na.


Nag-kwentuhan kami ng mga nakakatakot na bagay hanggang sa nakarating ang usapan sa academics at love life. Wala naman akong makwento dahil wala naman akong crush. Ay mayroon pala pero hindi ko muna sasabihin.


Cross and BulletTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon