03 - Be a Cadet

80 4 0
                                    

"Tikas, nga!"


"Tindig paluwag!"


Maririnig ang cadet officer ng CAT na nagco-command sa kapwa nila kadete. Ang CAT Citizenship Advancement Training officers ay mga nasa Grade 10 na. Naroon sila sa may quadrangle at nahagip ng mga mata ko roon si Kurtiel. Siya ay isang COCC candidate siya which means, tine-train na sila for a higher position or rank pagdating ng next school year.


By the way, ahead ng isang taon ang mga pinsan ko sa akin. Grade 8 ako ngayon, sila naman ay Grade 9, and that means I am sophomore and they are juniors. Malapit na rin naman matapos ang school year, tingin ko nai-turn over na ang positions ng mga CAT officers sa kanila. Mula sa aking pwesto ay tanaw ko sila Kurtiel sa malayo na sinusunod ang command ng higher officials.


"Harap sa kanan, rap!"


"Harap sa kaliwa, rap!"


"Tikas nga!"


Nakaka-elib ang mga postura nila, nakakatuwa rin silang makita na naka-fatigue uniform sa tuwing may may occasion na gaganapin dito sa school.


"Ano 'te? Wala na ata sa athletes ang bet mo, nasa mga cadet na?" sulpot ni Tatum. Inirapan ko siya, nagulat kasi ako nang bigla siyang susulpot.


"Atichona si mader oh! Basta akin 'yong alpha commander, ha?" saad niya at hinigit ang aking braso para doon makahawak.


"Huh? Sino?" tanong ko habang nakakunot ang noo. Wala naman kasi akong kilala sa mga 'yan.


"Vergara ata 'yon. Basta, sis, kapag may narinig o nabasa kang Vergara sa mga 'yan, he's mine! Para hindi tayo magka-problema. Okay!?" paniniguro niya habang nanggigigil na nakakapit sa braso ko. I released a small laugh. Siraulo talaga 'to. Wala naman akong tinitignan sa mga 'yan kun'di si Kurtiel dahil siya lang ang kilala ko.


Naangasan lang ako sa tindig niya. Akala mo talaga napakaseryosong tao. Gano'n rin sa mga kasamahan niya. Nanatili pa kami roon ng ilang minuto pero nang mag-ring na ang bell ay nagsibalikan na rin kami sa mga room namin.


Hindi pumasok si Kat ngayon kaya wala akong kausap sa room. Lumilipad ang isip ko habang nagtuturo ang teacher namin sa Math at habang nakatitig sa mga equations na pinagsusulat niya sa board, naalala ko kung paano pinaramdam sa akin ng iba na bobo ako pero napaisip ako, bakit kaya ko naman mag-solve ng math? Kaya minsan, hindi na ako nasasaktan sa sinasabi nila dahil hindi naman ako naniniwala.


As our teacher was in the middle of her lesson, a CAT officer in full fatigue uniform entered the room. He respectfully asked for permission to make an announcement, and as soon as he began speaking, my heart started racing. He spoke about the recruitment of COCC, and I couldn't help but feel of excitement.


"Shit. I want." I whispered to myself.


"If anyone wants to join, pumunta nalang po mamayang 3 PM sa may gymnasium," huling sinabi nito bago lumabas ng classroom.


Masungit na humarap ang prof namin bago ipinagpatuloy ang discussion niya. Lumipas pa ang halos kalahating oras, wala na talaga akong nasundan sa tinuturo niya. I'm just waiting for her to end her discussion. Maya-maya pa ay may bida-bidang nagtaas ng kamay.


"What!?" she craned her neck over my direction. Masungit ang mukha niya, akala ko nga sa akin siya nakatingin pero sa may likuran ko pala.


"Alas tres na po. P'wede na po ba pumunta sa gym?" It was Salic. Napairap ako sa kawalan, nakakabwisit talaga ang presensya ng tao na 'to.


Cross and BulletTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon