14 - Hans Hynsenko

42 3 0
                                    

Natapos ang variety show na masaya. Sobrang enjoy and at the same time, I couldn't help but overthink what Callista had said earlier. Her words kept replaying in my mind, "Hiwalay na ata sila."


Wala na sila Kurtiel at Cici?


I never had a chance to talk to him or to ask anyone about them kasi para saan 'di ba? Paniguradong tutuksuhin lang nila ako ulit.


Hindi ko na siya nakita after niyang gumanap niya as Rizal, iyon na rin ang huli. Bumalik na kasi kami sa L.A. after celebrating Christmas.


Many believed that Kurtiel and Cici have indeed separated, but I just saw their pictures together at their Graduation ball. His mom posted on Facebook congratulating them.


Congratulations my dear Yel for bagging Etoile King and Mr. Brightest Star of the Night in their Graduation ball. Also to your partner Christiana as Ms. Brightest Star! So proud of you, anak!


And that has a cute heart emoji pa.


Wala naman sa akin ang nabasa ko. Na-confuse lang ako kasi partner pa rin sila kahit break na? It doesn't add up! Bakit pa kasi dumaan 'to sa timeline ko! Nakita ko kasi sina insan at girlfriend niya ata 'yon basta nanalo sila as Mr and Ms Headturner, pati si Lianne na in-award-an rin ng Stunning Star ata.


Few weeks past, nawala sa isip ko ang tungkol sa nararamdaman ko sa kaniya. Iyon naghanap nalang ako ng kausap, tapos doon naglabas ng sama ng loob.


I met Hynsenko, username lang niya. Hans ang kaniyang pangalan. Nireto lang ni Tatum dahil magkaibigan sila. Sabi pa ni badet, tutulungan niya akong maka-move on kay CK.


Good luck nalang sa aming lahat na involve. Haha! Bakit ba kasi ang kulit ng puso ko? Bakit kasi sa dami ng lalaki sa mundo, sa dami ng lalaking nakita ko at nakilala ko. Bakit kailangan tumibok pa para sa taong hindi naman ako gusto?


I received a message from Hans, nagtatanong kung bakit gusto ko raw ng kausap. E paano, nag-open up ako kagabi about sa crush kong si CK at humingi na rin ng piece of advice.


From: Hans Hynsenko
: Bakit gusto mo ng kausap?

Not really. I just want new friend :

: Hmm? Maybe it's because hindi ka
pinapansin ng crush mo kaya ka
naghahanap.


At bakit naman ito name-mersonal? I mean, kung ano man ang dahilan ko ay wala na siya do'n. I tried to be calm as I can, then I remember na matino naman siyang kausap last time. Siguro nacu-curious lang talaga siya ngayon.


Marami kaming napagkwentuhan since last week pa, pansin ko nga na he's lowkey a simp, which I don't like. Pero madali kaming nagkasundo dahil mahilig rin siya gumawa ng tula. Pinapabasa niya sa akin mga tula na gawa niya para sa girl na gusto niya dati pero hindi raw kasi appreciative ang girl. Iyon, na-fall out love raw ito sa kaniya. Kawawang nilalang!


Nai-kwento niya halos kalahati ng buhay niya. Samantalang ako, nagbabasa lang, sumasagot o nagbibigay lang ng feedback. It's because he never let me to talk about my personal matter. Puro lang siya nang siya, akala niya ata siya ang center ng universe. Wala naman sa akin iyon, maigi nga 'yon, wala siyang masyadong alam sa buhay ko at isa pa, ayaw ko rin naman siyang hayaang makisawsaw.


From: Hans Hynsenko
: Ah. btw, with regards about ghosting
wanna make a bet?


Natawa ako sa sinabi niya, at the same time ay kinabahan. Out of nowhere, ganito ang sasabihin niya. I mean, kinabahan ako kasi alam ko matatalo ako at igo-ghost ko rin siya sooner or later but hmm, interesting.


Cross and BulletTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon