It has been two years since I said that my feelings for him would eventually disappear in three days. I was wrong. Two years have passed, but my heart still beats for him.
Sa tuwing mag-uusap kami ng mga kaibigan ko na nagbo-bloom na rin ang mga love life, lagi kong pinapa-alalahanan ang sarili ko sa promise na sinabi ko sa sarili ko.
4 year rule.
"Ano ba 'yon?" wika ni Callista habang kumakain. Nabanggit ko kasi sa kaniya ang plano ko bago ako pumasok sa relationship.
Nasa talking stages na kasi ang mga kaibigan ko, si Tatum naman may nalalandi na rin.
"4 year rule, mag i-start 'yon kapag tungtong ko ng college. Hindi ako papasok sa relationship hanggat hindi ako tapos ng college," paliwanag ko.
"Omg! Date to marry pala si sister ko." pagmamalaki niya sa akin.
"Shh. Ikaw pala ano na ganap sa inyo ng kausap mo?" I asked her. Hala si gaga! Pangiti-ngiti na nagtakip ng mukha gamit ang buhok niya.
"Eh, ano ba! Kasi HAHAHA!" hagikgik niya, namumula pa ang pisngi sa kilig.
"Tingin!" usisa ko.
Binuksan niya ang phone niya at hinanap ang convo nila ng kausap niyang taga-ibang school. Nagkakilala sila through mutual friend.
"Si Primo."
Pinabasa niya ang ilan sa akin ang screenshot ng convo nila.
"Tangina! Alam mo ba? Pinatanong pa ni Primo sa kaibigan niya, na kaibigan rin ng classmate namin kung single raw ba ako! Nakakaloka, nag-PM sa akin 'yong kaklase ko, nag-message raw sa kaniya 'yong kaibigan ni Primo. Shet!" natatawang salaysay niya, kasabay ng hindi mawari niyang ekspresyon.
Primo Pacheco
: Callista lang name mo? Walang second name?Wala :
: Ano nickname mo?
: P'wede bang baby? Joke hahaha!La, parang gago HAHAHAHA :
LUH.
Pasimple rin naman 'tong si Calli gurl, kinikilig rin 'to! Tawang-tawa ako habang pinapabasa niya ang convo nila.
Primo Pacheco
: LoveeeeHoy! Ano ganap mo dyan :
HAHAHAHA love mo mukha mo. :Nahampas ko si Callista sa nabasa ko. Shuta naman kasi kinikilig ako sa kanilang dalawa. Hayop! Sa love life ng iba nalang ako kinikilig.
"Ay! Panalo na po, ini-story na sa Instagram!" I shrugged and rubbed her collar. Iba rin ang kaibigan kong 'to.
Pinagpatuloy ko pa ang pagbabasa ng convo nila, walang hiya. Hindi ako mag sa-sana all. Hindi.
Hindi!
"Sana all, kaibigan kong tunay!" I whispered.
Matagal na pala sila magkakilala ni Primo at mahigit isang buwan na rin silang nag-uusap. Hindi naman siya nagpapaligaw, medyo clingy lang 'yong guy at grabe makabanat. Tss, galawan rin 'yan ng mga pinsan ko eh!
BINABASA MO ANG
Cross and Bullet
Teen FictionVasquez Series #3 After the tragic death of her brother inside the academy, Eurie Vasquez's world turned upside down. Consumed by grief and anger, she found herself harboring a deep-seated resentment towards the PMA-ers, blaming the institution for...