"Kuya, I'm here." marahan kong nilapag sa tapat ng puntod niya ang bulaklak na binili ko.
"Gaya ng sabi natin dati, promise na walang secret sa ating dalawa." I smirked. Habang tinitignan ko ang picture niya, ramdam ko ang malamig na hangin na dumadampi sa balat ko.
Ang dami kong pang nai-kwento, mga paulit-ulit na istorya dahil limitado lang naman ang mga beses na magkasama ni Kurtiel, bilang lang sa daliri ang memorya na mayroon kaming dalawa. Pero iyong lalim ng nararamdaman ko, sobrang lalim na ako mismo ay nalulunod.
"Ang hirap palang magmahal. Uubusin ka hanggang sa walang matira sa'yo. Tapos sa huli, talo pa rin."
I realized that I took the risk for a man who is not willing to gamble a penny for me. But maybe, ganito kasakit kasi sobra akong magmahal.
"Ri!"
Halos tumalon ang puso ko nang makita si Yeye, I didn't know he's coming. He just saw me crying, hindi ko lang alam kung narinig niya rin ang mga sinabi ko kanina kay Kuya Euan.
Lumapit siya sa akin bago ngumiti. I don't know, I can't read him. He just gave me a tight hug habang ang luha ko ay patuloy pa ring tumutulo.
"Happy birthday, Kuya Euan." he greeted bago nilapag ang bulaklak na hawak niya sa puntod.
"Shhh." inabutan niya ako ng panyo. Mas lalo tuloy akong naiyak dahil doon. I chuckled habang umiiyak, ang weird!
"Kainis ka," bulas ko at mahinang sinuntok siya sa braso.
"I heard everything," he said. I could feel the intensity of his stare, directly through my eyes.
Agad kong hinawakan ang baba ng shirt niya, "Please don't tell anyone."
Ngayon niya lang nalaman na umamin ako sa kaibigan niya, although matagal niya na raw nahahalatang gusto ko si Yel. He's just having a hard time to judge kasi siya yung tipo ng tao na hindi naman basta nagco-conclude.
"Ewan ko ba kung anong mayroon sa kaibigan mo na 'yon. Ang sakit niyang mahalin."
"Do you think one punch is enough?" he asked. Hindi ko alam kung nagbibiro siya o ano pero hindi naman siya tumatawa.
But to lighten the mood, I laughed, "Siraulo ka talaga," I said and tried to smile but my tear still falling.
I released a heavy deep sigh. Ang daming problema ng mundo, bakit ako nagpapakabaliw sa taong hindi ako gusto? There were times na parang gusto kong magmahal nang sobra, minsan naman parang ayaw kong kumausap ng kahit sino. How can I finish this book I am writing kung hindi ko alam kung sino ang makakatuluyan ko sa dulo?
There I knew, Utoy.
"Utoy? Nasaan na nga ba siya?" I asked myself.
"Huh?" binato ako ni insan ng petals na pinitas niya sa bulaklak.
"Wala! Hindi mo kilala 'yon," saad ko at inirapan siya.
"Sino ba 'yon?" usisa niya.
"Stranger friend?"
"Ang dami mong nalalaman!" kinutusan niya ako bago tumayo. Bwisit talaga ang taong 'to.
"Tara, kain tayo. Libre ko na para sa puso mong sawi," he teased. Binigyan ko siya ng sarkastikong ngiti bago tinaas ang kamay ko para tulungan niya akong tumayo, pero imbes na tulungan ay inapiran niya ako.
BINABASA MO ANG
Cross and Bullet
Teen FictionVasquez Series #3 After the tragic death of her brother inside the academy, Eurie Vasquez's world turned upside down. Consumed by grief and anger, she found herself harboring a deep-seated resentment towards the PMA-ers, blaming the institution for...