I don't know how you do what you do
I'm so in love with you
it just keeps gettin' better
I wanna spend the rest of my life
with you by my sideNagising ako sa maingay na tugtog gamit ang malaking speaker dito sa bahay. Sabado na?! Napabangon ako para tignan ang orasan, alas-kwatro palang ng madaling araw ah! Ang aga naman mag ingay ng mga taong 'to.
Lumabas ako para silipin sila. Naalala ko nangako nga pala ng swimming si mamita sa Batangas! Nagmadali akong kumuha ng gamit sa kwarto ko. Mayroon kaming rest house sa Batangas, madalas kami doon ng pamilya ko tuwing summer tulad nito.
"Whoah, early bird!" baling sa akin nila insan ng kanilang atensyon nang makitang pababa na ako. I just shrugged.
"Ano oras po tayo aalis?" tanong ko kay mamita na busy sa pagluluto ng breakfast para sa aming lahat.
"Mamaya pa, hija. Kumain ka muna," sagot ni mamita. Natawa nalang ako sa isip, mga pinoy nga naman kung sumagot.
Instead of having a breakfast, umakyat muli ako sa kwarto. Nag-ayos ako ng gamit na dadalhin ko at susuotin. It was then that I came across the necklace given to me by Utoy, a friend I met at PMA back in 2010.
Habang nasa kwarto ako, naririnig ko silang nagbibiruan sa baba. Mamita told the boys na kapag may girlfriend na sila, dalhin nila sa Batangas at i-treat ang mga iyon. Ah! Nainggit ako bigla. Gusto ko rin kapag nagka-boyfriend na ako, dadalhin rin niya ako sa isang beach at doon kami mag de-date. Ang ideal kaya ng gano'n for me. Napakaswerte nga naman talaga ng mga babaeng mamahalin ng mga pinsan ko. Hay.
Masyado pa naman akong bata for that matter, sa ngayon, ie-enjoy ko muna ang pagiging teenager ko. But sometimes, ang weird ng feeling ko kapag nakakakita ako ng couple around my age. Hindi naman ako mag sa-sana all pero ang cute nila, minsan nakakainis. Mag b-break rin naman sila!
After ko mag-ayos ng gamit, sinuot ko ang kwintas na bigay ni Utoy, it's a cross pendant na silver, hindi ko alam kung fake 'to or hindi pero ang mahalaga, hindi naman ako nangangati kapag suot ito. Isa pa, mahalaga ito para sa akin kasi bigay ito ng isang stranger from my past. Ang sweet, 'di ba? What if, siya pala ang naka-tadhana para sa akin? Invisible string ba 'yon?
Bumaba na ako para kumain then nakipagkulitan sa mga pinsan ko in a while. Umalis na rin kami at mabilis na nakarating doon. Nakatulog ako sa byahe habang nakikinig ng music, nagku-kwentuhan kami noong umpisa pero kalgitnaan ng byahe ay lahat kami plakda.
Nasa iisang van kami ng mga pinsan ko, kasama ang parents ni Iesu, sila daddy naman ay magkasama sa iisang kotse with Leigh's parents, then another van para sa parents ni Kyle. Usually, kapag bumabyahe kami ay hindi kami magkakasama sa iisang van. Hiwa-hiwalay incase anything unfortunate happen.
"Insan, ano english ng 'sorry na?'" tanong ni Iesu, kakababa palang namin ng sasakyan, ginawa na agad akong translator nitong si Iesu. Gusto ko lang naman kumain.
"Joke ba 'yan?" irap ko at nagpipigil ng tawa, nakakatawa kasi mukha niya. Samantalang ang iba naman ay naghihintay rin sa sasabihin niya.
"Edi mermaid." he laugh at his own joke.
Hindi naman ako natawa. Hindi ko kasi nakuha agad. Parang siraulo. Leigh threw him a pillow, gano'n rin si Migs na umayos ng upo at nagpigil ng tawa. Meanwhile, the elders are still loading, nagalit pa si mamita sa kalokohan ng anak niya.
BINABASA MO ANG
Cross and Bullet
Teen FictionVasquez Series #3 After the tragic death of her brother inside the academy, Eurie Vasquez's world turned upside down. Consumed by grief and anger, she found herself harboring a deep-seated resentment towards the PMA-ers, blaming the institution for...