ALYSHIA
❝Ms. Yoon, can you collect Section A students' Math notebooks? May seatwork kase akong iniwan sa kanila and I said na ipapakolekta ko yun sayo. Pasuyo na lang please, palagay na lang dito sa table kapag nakuha mo na❞ natigil kami sa pag-uusap ni Denise nang utusan ako ni Mrs. Kwon.
❝Also, please check the attendance record kapag napasa na nila sayo para makita ko kung sino yung hindi nagpapasa ng activities❞
Ngumiti lang ako saka tumayo ang kinuha ang attendance record ni Mrs. Kwon sa teacher's table. Wala namang kaso sakin sa tuwing inuutusan kami ng teachers, beside we understand that they're all busy and we wanted to help them.
Kusa akong napalunok nang maalala kong section pala ni Junkyu yun. Geez, bakit ba ako kinakabahan. Kukunin ko lang naman yung mga notebooks nila and there's nothing more.
Nang papalapit na ako sa Section A ay hindi ko maiwasang kabahan. Ewan ko, naalala ko lang yung sinabi niya kagabi. I seriously don't know kung seryoso siya dun or baka naga-assume lang ako masyado.
I immediately knocked twice at the door bago hinintay itong may magbukas. Makalipas ang ilang segundo ay sinalubong ako ni Jaehyuk saka ngumisi.
Siraulo talaga 'tong anak ni Lion King. Paniguradong aasarin na naman ako nito.
❝Anong kailangan nila?❞ nakangising tanong niya sakin. I cleared my throat saka ma-awtoridad na nagsalita.
❝Mrs. Kwon wanted me to collect your math seatworks❞ he opened the door widely saka sinabing umupo muna ako sa teacher's table habang nagche-check ng attendance record ni Mrs. Kwon.
I glanced at them at napansing bigla silang tumahimik nang makapasok ako ng room nila. Hindi ko naman sila kakainin tss.
❝Kim Doyoung❞ nagsimula akong mag-check ng attendance sa tuwing makikita kong nilalapag nila ang math notebooks. Tinitignan ko ang notebooks nila making sure hindi sila nagpapasa ng blankong notebooks.
❝Kanemoto Yoshinori❞ the tall guy opened his notebook saka pinakita ang math notebook niya sa akin with his seatwork.
Mabuti na lang at wala akong naging problema sa kanila dahil lahat naman sila ay may mga gawa.
❝Yoon Jaehyuk❞ sinamaan ko siya agad ng tingin nang marinig ko ang hagikhik niya. Talaga 'tong lalaking 'to.
❝Miss ka na daw nung kasunod ko haha❞ binato ko siya ng crumpled paper at mas lalo lang akong naasar nang tawanan niya ako.
I was hoping na hindi siya yung sunod na student na nasa attendance record but then.. Jaehyuk was right. Kasunod niya sa listahan si Junkyu. Walang hiya, paano niya nalaman yun?!
I was really hesitating if I should call him or skip his name. Pero sa kamalas-malasan nga naman, siya na lang ang natitira sa record. At ewan ko rin sa sarili ko, nahihiya talaga ako sa kanya at hindi ko alam kung bakit!
Tumikhim muna ako bago ko siya tawagin. Just preparing myself.
Pero on the other hand, bakit naman ako maiilang? Ni hindi ko naman siya kaibigan. And maybe he just liked me as a friend. Maissue ka lang talaga, Aly! There's no way that childish koala will like you anyways.
❝Kim Junkyu❞ ma-awtoridad na tawag ko sa kanya. I heard the chair moved, I knew he was coming kaya I tried my best to keep my head down at hindi magtagpo ang mata naming dalawa.
Why am I even avoiding him?
I saw his shadow in front of me giving me his notebook. Nakayuko kong kinuha ito but eventually stopped nang may mahawakan akong malamig na bagay kaya napilitan akong i-angat ang ulo ko to see what was it.
Halos manlaki ang mata ko nang malaman kong kamay niya pala yung nahawakan ko. Hindi ko alam kung kinakabahan lang ako or my chest really skipped a beat. Hindi ko alam kung bakit ko 'to nararamdaman!
Umiwas ako ng tingin saka agad na binitawan ang kamay niya, grabbing his notebook saka ito binuklat.
His hand writing skills made me chuckle. Para siyang babae mag-sulat. But it was all well-organized. Inilapag ako ang notebook niya and napansing he was still in front of me.
❝You're all cleared, you may go back❞ I commanded him. I saw him placed a pink sticky note on top of his notebook saka naglakad pabalik sa pwesto niya.
I took a glance on that note saka napatingin sa kanya. He was smiling at me.
School entrance gate, after class. Hihintayin kita ♡
TO BE CONTINUED..
BINABASA MO ANG
❛Childish❜┇TREASURE's Junkyu
Fanfiction[𝗖𝗼𝗺𝗽𝗹𝗲𝘁𝗲𝗱✔️] ❝Kailangan ko bang ubusin lahat ng meron ako para magustuhan mo rin ako?❞ ➳ Wherein Kim Junkyu liked Alyshia Yoon ever since she saved him and acted more childish and cute hoping that she'd fall for him ❙ Kayamanan Series #2 ❙...