︰sixty-two

42 2 0
                                    

ALYSHIA

❝Hoy! Okay ka lang?❞ tanong ni Denise saka umupo sa tapat ko.

Kasalukuyan kaming nasa canteen ngayon dahil lunch break na. At utang na loob lang, huwag sana akong kulitin nito about dun sa pinsan kong suwail.

❝Sa tingin mo?❞ sarkastiko kong tanong saka muling umob-ob. Wala talaga ako sa mood ngayon.

Sana naman walang Jekjek at Junkyu na manggulo ngayon ano. Pagod na pagod na ako sa bunganga ng dalawang yun.

❝Bakit mo ba kasi ginawa yun?❞ napaangat muli ang tingin ko nang biglang magsalita si Denise.

❝Ha?❞

❝Bakit mo minyday si Junkyu? Huwag mo sabihing... May crush ka na sa kanya yieeee❞ napapikit na lamang ako sa kunsimisyon.

Hindi ko rin alam kung anong kauri ni Junkyu ang pumasok sa utak ko at ginawa yun. Bakit kase hindi ko inisip yung echosera kong pinsan na mukhang isang buwan na kulang sa tulog.

❝Wala naman kasing malisya yun eh. Saka para malaman niya rin na naiinis ako sa presensya niya diba? Edi quits lang kami❞

❝Alam mo ewan ko sayo. Bakit kase hindi mo na lang aminin na unti-unti ka ng naaattach kay Junkyu. I mean not romantically pero in a friendly way. Mabait naman si Junkyu ah❞

❝Alam mo rin, ewan ko. Ayoko muna pag-usapan❞ sabi ko saka walang ganang kinuha ang lunch box ko.

Kapag nakita ko lang talaga yung panget kong pinsan, lintik lang ang walang ganti.

❝Wait!❞ automatiko rin akong napatigil nang sumigaw si Denise. Gagang 'to.

❝Ngayon ko lang nakita 'to ah. Akala ko ba hindi ka nagsusuot ng kwintas?❞ sabi niya sabay hablot sa kwintas na nakakabit sa leeg ko. Pucha, nakita niya pa yan? Ang tindi talaga ng mata ng babaeng 'to.

❝H-ha? W-wala yan hehe❞ sabi ko saka pilit na kinukuha sa kanya yung pendant pero tinabig niya lang yung kamay ko.

Malas talaga 'tong araw na 'to. Kasalanan talaga ni Jekjek 'to bwiset.

❝Alyshia Yoon, ang chaka mo pag nagsisinungaling❞

❝Mas chaka ka naman!❞ sigaw ko rin sa kanya.

❝At least hindi ako sinungaling❞ napapikit na lang ako sa kunsimisyon. Takte naman talaga.

❝Kailan niyo ba ako papatahimikin ha?❞ nakita ko lang siyang humalakhak saka dumila. Badtrip!

❝Fine! Binigay ni Junkyu yan. Sabi niya isuot niya daw kase hindi niya daw ako patatahimikin❞ nakita ko siyang nakatulala.

I mean may mali ba sa ginawa ko? Nakakatakot kaya yung banta niya. Sa thought pa lang na magpapakita siya sa panaginip ko, kinikilabutan na ako agad.

❝I can't believe you, Alyshia Yoon. You actually fell for that? Si Junkyu lang pala talaga katapat mo❞

❝Nakakatakot kaya siya❞

❝Geez, do you even know what swan means?❞

❝They're birds?❞ nakita kong napa-facepalm siya. Bakit? Wala namang mali sa sinabi ko ah?

❝I mean not the literal meaning! And tignan mo, hindi ka ba nagtataka kung bakit parang putol yung pendant?❞

Ano naman? Tinanggap ko lang talaga yan para umalis na siya. Hindi ko kase matagalan yung mukha niya kagabi.

Alam mo yun, bulag na ata ako pero ang cute niya sa hoodie niya kagabi.

❝Alam mo wala akong oras para alamin ang ibig sabihin niyan. Diretsahin mo na ako kung alam mo para wala ng problema❞

❝Idiot, swans means lovers. And this necklace is obviously hindi pang-isahan. I'm sure the other half is with him. Couple necklace 'to, Yshia!❞

Couple necklace? Swans? Lovers? Eh?

Bakit naman ako bibigyan ng lover necklace ni Junkyu? It's not that may gusto siya sa akin. Saka sabi niya tropa lang kami. Mali naman siguro yung nasa isip ko diba?

TO BE CONTINUED..

❛Childish❜┇TREASURE's JunkyuTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon