︰sixteen

63 5 1
                                    

ALYSHIA

❝Oh? Anong nangyare sayo? Umagang-umaga naka-busangot ka❞ sita ni Denise sakin pag-apak ko pa lang ng kalye.

Sino ba naman di mababadtrip kung katulad nung Kim Junkyu na yun yung makakausap mo. Jusko, saan ba pinaglihi yun at gaganun katigas ang ulo?

❝Wala!❞ inis na sagot ko sa kanya saka padabog na nag-martsa papunta ng school kasabay si Denise.

❝Oo nga pala, anong balita kay Junkyu?❞ I was about to forget that pain in the ass person pero itong isang 'to, sa lahat ng pwedeng pag-usspan yun pa talaga ang pinili.

❝Wala. Anong balita ka dyan❞ sabi ko sa kanya. Ayun, nalaman yung account ko at ako naman ang pinipiling kulitin.

Paano ba kase nun nalaman yung account ko? Geez, hindi kaya binigay ni Jaehyuk yun? I swear to god, hindi ko talaga papalapitin si Asahi sa kanya kapag talagang siya ang nag-bigay nun kay Junkyu.

Isa pa, masama na rin ang pakiramdam ko nung nakita ko siya nun ulit sa court. Akala niya hindi ko siya nakikita. Dukutin ko kaya mata niya nakakainis!

❝Eh diba hinahanap ka nun?❞ napairap naman ako. Mabuti na lang at nakarating na kami ng room at hindi ko na siya sinagot.

I was about to sat down at my seat nang mapakunot ang noo ko dahil sa mga pagkain na nakapatong sa armchair ko. Bakit andito 'to? Baka naman naligaw.

❝Hoy sino nag-lagay nito?❞ sigaw ko sa mga kaklase ko habang itinaas ko yung packs ng marshmallow na nakapatong sa upuan ko kanina. Baka kase mamaya hindi pala akin 'to tapos kakainin ko lang. Edi nakakahiya yun lalo.

❝Nilagay yan nung lalaking matangkad na mukhang koala kanina❞ halos mapa-facepalm ako nang marealize ko kung sino yun.

❝Koala? Wait, si Junkyu ba?❞ tanong ni Denise sa kaklase kong sumagot.

❝Oo, yung anak nung may-ari ng sikat na clothing brand❞ nagulat naman ako nang tumili si Denise saka hinampas ang balikat ko.

❝OMG girl! Ang sweet ni Junkyu diba? Ang cuuuute!❞ tili niya na parang teenager na kinikilig sa jowa niya.

Napairap na lang ako saka lumabas para tignan kung andun pa siya sa labas ng room. I'm sure hindi pa nakakalayo ang lalaking yun. Hindi naman ako nagkamali dahil nahagip siya ng mata ko na nakatago sa pinto ng kabilang room na katabi lang namin.

I saw his eyes widened nang makita niya akong nakatitig ng masama sa kanya habang hawak hawak yung mga marshmallow na iniwan niya sa room. Nagtago pa siya, eh nakikita ko naman siya dito. Timang talaga.

I was about to walk towards him nang tumakbo na siya papalayo at halos masubsob pa dahil sa dulas ng sahig ng hallway. Kaka-mop lang ng janitor kanina, napaka-clumsy rin tss.

Napailing na lamang ako saka bumalik sa room at inilagay ang marshmallows sa bag ko bago ko kinuha ang cellphone ko para i-chat siya. Ayoko naman kainin 'to, baka kung anong isipin nun.

Saka I don't like sweets that much. Ibabalik ko na lang 'to sa kanya.

━━━━━━━━━━━━━━━

Kim Junkyu
•Active 20 mins ago

Alyshia:
Give me your room number

Alyshia:
Magkita tayo mamayang lunch

Alyshia:
Idiot

❛Childish❜┇TREASURE's JunkyuTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon